Niccolo’s POV Aandarin ko na sana ang kotse nang makitang lumabas ang ex niyang si Christian sa bahay. Napangiti ako. Talagang pinaalis niya agad ang lalaki pagkapasok niya. I waited na makalabas ng bakuran ang kotse nito at maunang umalis. Pero nagtaka ako nang tumigil ito malapit sa akin at kinatok ang bintana ng sasakyan ko. I went out of the car. “Bakit?” kunot-noong tanong ko. “I think we were not introduced yet.” Saad nito. I can’t help but smirk. Inistorbo niya ako dahil lang dun? “I’m Christian, Denielle’s dad.” Saad nito sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko nalang. “Niccolo.” Pakilala ko. “Sige, una na ako.” Saad ko. Wala naman akong gustong sabihin sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang magsalita siya. “Gusto ko lang ipaalam sa’yo na bumalik ako para sa

