Kabanata 38
KAIYA
I had spent my day bored at home and sleepy most of the time. Well, I just feel sleepy but I can’t sleep. When I’m alone, I couldn’t stop thinking about hen,Yohan. God! This is why I always want to be busy! I mean, I know things will never be the same again. There will be no us but different what ifs are going thru my mind. Ughr! These thoughts!
Kaka-text lang ni Ate. As expected naman, Gael will be staying here while she’s recovering. Mamaya e nandito na rin sila. I’m sure Ate would be hands-on wife to be to here. Yeah. Wife. Saan pa ba tutungo ang relasyon nilang pinagbigyan ng second chance? De doon din. A happy ever after that exists for them. Maiinggit na naman ako! But our parents are more excited, I think. Ito nga ka-video call ko si Mom.
“Ikaw na siguro ang weirdest mom ever.” Napataas ang kilay ko pa sa kanya. “You’re supposed to be worried kasi parang live in na sila ni Gael. Pero look, you’re just as excited as Ate.”
“Hindi ba ako pwedeng matuwa dahil finally? They’re like a family na? Remember, ako ang kasama ni Jewel n`ong puro iyak lang ang ginagawa niya. You know? It pains me a lot to see you two broken. Ikaw ba? Kumusta ka na?”
“I’m good.” Nag-okay ako sa kanya. “I’m moving on. Little by little.”
“You’re at fault, then ikaw ang matagal na hindi makamove on.”
“Yeah yeah! Huwag mo nang ulit-uliting. Nagsisisi na nga ako e.”
Tinawanan lang ako ni Mama. “Karma is a b***h. And you finally met her.”
“`Ma! Okay. I get it. Huwag mo naman masyadong ipamukha sa akin.”
“Just don’t do the same mistakes again. Si Roxie? Are you two dating?”
“No.” Tanggi ko kaagad. “Huwag kang masyado maniwala sa mga nakikita mo sa twitter. It’s just for content.”
“Well then. Ako ay kinikilig sa mga contents niyo. I’m proud Mama here! Aba! Pag-ipunan mo na ang IVF bunso nang maging lola na ulit ako.”
God! I can’t believe her! She’s really thinking of IVF when in fact wala naman kaming relasyon ni Roxie romantically para i-consider ang bagay na `yan. And if meron man, it’s too early for IVF thing. Minsan hindi rin nakakatuwa when you have a too open-minded parents.
“`Ma, maging old maid na lang kaya ako? You know? I don’t need a husband or wife naman e.”
“Sabihin mo `yan kapag nakikita mo nang masaya ang Ate mo kay Gael araw-araw. You’ll see, iisipin mo ring mag-asawa.”
“Whatever. Enjoy ko lang ang friendship. I’m contented with that.”
Tinuktok ni Mama ang screen ng phone niya. “Yohan may have broken your heart but please don’t close doors for new relationship.”
“I know. I know. Someday. Malay mo naman lalaki na talaga ang para sa akin.”
“Kahit ano basta may puso at kakayanin ang toyo mo. Magiging masaya na ako n`on nang sobra-sobra.”
Nag-pop up ang chat-head ni Roxie. Angdaming sinend na pictures niya with girls! Iba-ibang girls. I-rate ko pa daw sila from 1-10. 10 being the highest. Napansin pal ani Mama na wala sa kanya ang atensyon ko.
“I’m still talking to you, Kaiya.”
“Sorry. Angdami kasing sinend na pictures ni Roxie. Rate ko daw mga babae niya. Hindi na yata trabaho ang ginagawa nito e.”
Mama laughs. “Mukhang kumukuha ng survery ang batang `yan. Nagsend din sa akin n`ong isang araw ng mga pictures ng girls. Dapat sinend ko na `yong picture mo ano?”
“Pati ba naman ikaw? God! She’s gone crazy. Anong iniisip na naman kaya niya.”
“She’s just enjoying life. That’s what she’s doing.”
Nag-message na naman siya. Bilisan ko daw i-rate. De I gave then flat 5 ratings.
“Grabe. Bakit 5 lang?”
“`Ma, I’ll call you later. May gagawin lang ako. Babye! I love you.” Nag-wave goodbye muna kami sa isa’t-isa bago ko pinutol ang call.
Now back to you Roxie. Ire-reply ko lang `to. ”Hindi ko sila maganda. So 5. Atleast 5.”
Tumatawang emoji ang reply niya kasunod ang isa pang pictures na nakaakabay sa kanya ang isang foreigner. “Roar! Bakit angpi-pretty nila. Jusko! Hindi ako kumakalma! Ha ha!”
“Type mo ganyan? E pangit sila.”
Naiiling siya pero tatawa-tawa pa rin. “Tell me you’re insecure without telling me you’re insecure! Deds ako kapag may fan ka dito. Ha ha! Isipin nambababae ako. Siyang tunay! Ha ha ha!”
“Enjoying the view huh?”
“Opkors! Aba! Sawa na ako sa flat view na madalas kong makasama! Ha ha ha!”
Whattheck?! Ako ba ang tinutukoy niya?!
“Fvck you!”
Her laughter irritates me a lot! Kung kasama ko lang `to nakurot ko na sa inis e. How dare she say na flat ako?
“Ayaw ko namang magsarili, uy! I kennat fvck myselp! Ha ha ha! Bye na! See you next week. Mabi-busy ako. Raraket para may pera. Ha ha!”
“Mambababae ka lang. Bye!”
After our call she sent me her picture raising her camera. “First love ko muna gagawin ko. Magkakapera pa ako. Ha ha! Ingat. Uy, huwag marupok. Pinapanood ka ni Lord, huwag mong pagpantasyahan si Yohan. Ha ha! Bye!”
Another picture came again. It’s her and a model. “Maganda sana kaso may tokpu. Ha ha ha! Huwag kang magrereply. Magkukwento lang ako ng mga ganap dito.”
Maya’t-maya nga ang dating ng mga messages niya na may kalakip pang pictures. Magaganda pero lagi siya may negative na nasasabi. And as what she said, hindi ako nagrereply. Nalilibang ako sa maya’t-mayang pagkukwento niya. Minsang voice message pa. Her voice is feminine than me.
“Angpogi ng boses ko no? Hep! Huwag magrereply. I know. I know naman. Haha!”
She’s crazy talaga! Shees! Naopen ko ang message ni Yael! Isang hello emoji. Now, I feel like I’m obliged to reply.
“Hello.” Just a plain text.
“Are you free today? Invite sana kitang magcoffee?”
“Hindi naman. Hintay ko lang chat ni Ate. Susunduin ko sila sa hospital.”
“Ganun ba?”
God! Bakit ba parang nakaka-guilty `tong ganitong reply niya? I’m typing pa. Then Roxie’s chat head pops up.
“Hoy, ito need ko reply mo. Kita tayo bukas. Libre kita marami akong kita ngayon e. ha ha ha! Go?”
Aba! Minsan lang magyaya ito ng libre! She must have been earned much today. God! Itong phone ko naglalag. Inexit ko muna ang messenger. Tunog nang tunog ang messenger. Reply ko nga muna si Roxie baka mag-change ng mind e. Sobrang loading naman ng signal. Magfa-file na yata ako ng complaint sa internet provider namin.
“Sige. Bukas. Free ako.” Sent! Iniisip ko na kung saan ako magpapalibre. I’m craving for some pizza again.
Nag-chat ulit si Yael. “Talaga? Wow! See you tomorrow, Kai!”
Oh my God! Sa kanya ko na-send ang reply ko para kay Roxie. Natampal ko ang noo ko at nagpanic na ako.
Iniscroll ko agad ang messenger ko para mai-reply ko kay Roxie. Sinabi ko sa kanya na kay Yael ko nai-send `yong reply ko sa kanya. Voice message ba naman ang reply niya.
“Ha ha ha! Kaiya! Pati messenger naro-wrong send ka. Paano na lang kapag may ka-PS ka tapos nagkamali ka ng send haha!”
“Anong PS?????” ganyan karami ang question marks sa chat ko sa kanya.
Voice message na naman ang reply niya. Tawa agad niya ang bumungad pag-click ko. “Ha ha ha! Phone s*x! Ha ha ha! Tangina, Kai. Shonda ka na hindi mo alam `yon? Ha ha ha!”
Damn him! I click on Voice message. “Damn you! Hindi ko alam `yon! Nakakabueset ka!”
Sent! Tinadtad ko siya ng mura talaga sa chat.
She replied a laughing emoji. “Uy, speaking of PS. Alam mo bang muntik na akong makipag-PS para sa pera. Ha ha! Pero naisip ko kamo mukha akong pera pero sagrado ang daliri at dila ko kahit sa imahinasyon lang ng customer! Ha ha ha! Roar!”
Hindi ko na nga nireply. Binalikan ko ang chat head ni Yael. What now, Kaiya? You’ll have a coffee day with Yael tomorrow.
Ano na naman kaya itong message ni Roxie. Pag-open ko mukha naman niyang naka-duck face. “Hanap na lang ako ililibre bukas. `Yong hindi flat. Ha ha! Libre pa rin kita dinner. Ako magluluto. `Yong mahanghang! LOLS! Bye na. raket na me. Lalandiin ko talaga `tong pinakamaganda dito. Ha ha! Wish me luck!”
Hindi ko na nireply. Galingan na lang niya ng paglandi.
---
It’s a festive night. Ate ordered dinner for Gael’s homecoming. Jeid is just sad her favorite Tita Roxie ain’t around. Sure thing, si Roxie na ang favorite niya. Hindi na ako. Bukambibig na niya e.
“Angdami naman nito, Ate. Tayo-tayo lang naman ang kakain.”
“May bisita din ako mamaya. Mag-o-OT kami ni Rica para sa mga articles. Iti-train ko na rin siya para may kaagapay si Roxie. Parang gusto na rin kasi ni Roxie na i-part-time na lang ang CKM e. Napakarami niyang gustong gawin sa buhay niya. Napakaligalig.”
“Nagsabi siya sa`yo?” I asked. Seems like it nga. Marami kasi siyang pinaggagawa sa buhay niya.
Umiling si Ate. “Instinct ko lang.”
“Ganun talaga kapag walang jowa na nagpapayo.” Sabad ni Gael. “Tanginang saklay `to. Gang kailan ba `to?”
“Gang kaya mo nang maglakad nang maayos siyempre. Ano? Pilayin pa kita ulit?” Pagsusungit na ni Ate. “Hindi mag-iingat tapos iinarte.”
“Sabi ni Mommy maiinggit ako sa inyo pero parang hindi naman.” Biro ko sa mga ito. “Ate, bawas ng konting kasungitan ha? I don’t wanna get deaf when you two argue. Or doon kayo sa labas mag-away if ever.”
“Kami pa ba?” Gael confidently utter. “Lambingan lang namin `to. `Di ba?”
“Ano pa nga ba? Kumain ka na nga dito. Mali-late daw si Rica.”
We had our dinner while Roxie is in video call with Gael. Why on earth are they like this? Parang mga magkakapamilya na nasa ibang bansa ang isa at need pa kasama sa video call e. Kumakain din naman siya pero sa fastfood.
“Bakit hindi ka kasi dumaan dito?” asked Gael. “Mas masarap ang pagkain dito, oh!” She shows Roxie the big shrimp. “Matakam ka. Ha ha!”
“May lakad pa ako pagkatapos dito e. Ibang kain naman! Ha ha! Joke!”
I totally get naman ang ibig niyang sabihin. Napakalandi talaga! Humingi ng updates si Ate sa mga write ups niya. Nasabi na rin niya ang plans na i-train din si Miss Rica.
“So nice naman `yan! De magkakaroon na ako ng time na mag-side-line pa. more photo sessions ito!”
“Ahuh! Hinihintay lang naman kitang magsabi e. Kahit ramdam ko namang photography talaga ang first love mo. You can’t really just let go of your passion.”
“Don’t worry, Idol. Gagawin naming ni Rica ang best namin sa CKM online. Henyo kaya kaming dalawa! Har har har!”
Angpangit ng tawa niya. Ginagaya niya `yong sa anime na basketball. Hindi ko na maalala ang pangalan. Sakurawa yata `yon.
“Ahy, Idol! Si Kaiya may date `yan bukas! Ha ha!”
Napatingin silang tatlo sa akin. As in pati si Jeid!
“Tita?”
Siya pa talaga ang unang nagreact. Hindi ko maikwento dahil Jeid might remember it and mabanggit niya kay Yusef kapag nagkaroon ng chance na magkita sila. They are like brothers and sisters and they can’t seem to keep secrets from each other.
“You date bukas?”
“Ah. No. it’s not a date. It’s just a conversation over coffee.”
She just nods. “Not a date. Tita Roxie! Not a date!”
Natawa si Ate sa reaksyon ng anak niya. Walang nakakatawa doon! She’s thinking na girlfriend ko si Roxie sa reaksyon niya.
“Ate, baka naman pwede mong pagsabihan.”
Natawa si Ate. Parang natutuwa pa siya sa reaksyon ng anak niya. “Jeid, don’t talk that way ha? And Tita Kai is not Tita Roxie’s girlfriend.”
“No? Why?”
“I’ll explain some other time. Basta friends lang sila.”
“Okay. But Tita ko pa rin Tita Roxie?”
“Ofcourse!” pag-aasure naman ni Ate. “Friend namin siya kaya Tita mo pa rin siya.”
---
I’m choosing may OOTD for tomorrow. Kahit naman accidentally yes lang `yong reply ko ay gusto ko pa ring mag-look good bukas. Nilagay ko sa bed ang tatlong outfits na pagpipilian ko. Mga boyish look to match my mood and hair. I wanna flaunt may new haircut.
I think I’ll just go with plain white shirt and denim pants matched with a black baseball cap. Isinukat ko ang cap and look at my reflection at the mirror. I took a picture and sent it to Roxie followed by a voice message.
“What do you think? Okay na to for tomorrow `no?”
Na-seen niya naman ang chat ko. She’s typing says the three dots in her profile picture.
“Mas pogi ka na kay Yael! Ha ha! Oks na yan. Magkakape lang naman kayo. Ha ha ha!”
“Gusto ko sana na mag pogi ako sa`yo.” Sinamahan ko ng emoji na yung tumatawa na may luha-luha din.
“Never mangyayari `yan! Ha ha! Hoy! Matulog ka na. Baka pumangit ka sa date mo bukas! Ha ha!” hindi pa nga ako nakakareply may message na naman siya. “Goodnight! Lalamayan ko pa `tong mga pictures. Katching-katching ang mga mata ko pag nakikita ko e haha! #PerangPeraNaAko”
“Night. Huwag ka nga masyado magpuyat. Aanhin mo pa ang kinikita mo kung magkakasakit ka rin lang?”
“Ha ha! Uy! Pa-fall! Joke.” Kasunod nito ang picture ng laptop monitor niya na puro mga babaeng naka-two piece. Mga pinagmamalaki niya kanina at pinapa-rate sa amin ni Mommy. “Nakikita ko mga `to kanina, naiisip ko sana naging baby na lang ako ulit e.”
“???” I'm replying question marks `coz I know it’s kalokohan na naman.
“Para konting iyak ko lang maka-dede na ako agad! Ha ha ha! Tulog ka na nga! Bye!”
Crazy! Puro kalokohan ang nasa isip! Pervert minded Roxie!