Chapter 36-Huwag papiliin

2429 คำ
Kabanata 36 KAIYA We reached home before 8:00. I really appreciate the lugaw kanina. I’ll gladly go back and buy more pa next time. I’m preparing sandwich for our mind night snacks as requested by Jeid. Mag-camping daw kami sa room niya. She requested that we’ll put up a tent. Pinagbigyan siya ni Roxie kaya tuwang-tuwa na naman siya. Naka-off pa ang ilaw at `yong led lights ko ang sinwitch on niya. “Perfect!” Pumalakpak pa siya. “Jeid, Isang sandwich lang eat natin ha? Marami ka nang nakain e. Baka ma-empatso ka. Lagot kami sa mama mo.” Jeid raises her two thumbs up. This kid talaga! Kapag ako ang nag-utos, hindi niya ako sinusunod pero kapag si Roxie kikilos kaagad. Kasya ang tatlo sa tent. Nakabukas ang pinto nito para makanood pa rin itong batang makulit. May isang oras na rin kaming nanonood. Napapahikab na ako pero si Jeid ayaw pang matulog. Nag-iinarte kapag sinasabihan kong kailangan na niyang magpahinga. “Jeid, contest tayo ng pag-sleep.” Biglang sabi ni Roxie. “If mauna ka sleep, pagluto kita bukas ng pan cake.” Humarap sa akin si Jeid. “Tita, you judge ha?” “Okay, okay.” Niyakap niya na ang maliit na unan at pumikit. Ganun rin si Roxie. Mukhang mauuna pa nga siyang makakatulog e. She must have felt the tiredness. After just some minutes, they doze to dreamland. They’re both snoring. Pagod nga talaga. Iniayos ko ang kumot ni Jeid. Magliligpit na lang muna ako. Lumabas ako ng tent saka nag-stretching. I almost fell asleep! God! Antok na antok na rin ako. Nagtungo ako sa kwarto ko para magpalit ng mas comfortable na pantulog. I choose a pink pajama that would match Jeid’s. When I returned to Jeid’s room, Roxie is sitting beside the tent while busying herself with her laptop. Maybe another article for the website. “Why you up again? Ipagpabukas mo na lang `yan.” “Naalimpungatan ako e. Hindi na ako makatulog. May ingredients naman for pan cake `no? Ginalingan ni Jeid e. Tulog agad.” Naupo na rin ako sa tabi niya. Just what I thought, nageencode siya. “Para sa website?” She nodded. A serious Roxie is busy with work on a midnight. She really has this mood which is unusual. Biglang nagta-transform e. “Tapos na si Rica sa write ups niya e. Ihahabol ko na lang `to.” “Nocturnal columnist. Puyat na lang lagi.” “Mabuti nang ito ang pagpuyatan ko kaysa maling tao.” “Palagi kang may hugot. Nakakairita rin minsan.” She smiled but her attention is on her laptop. “Minsan. Pero madalas hindi. Aliw ka din naman. Matulog ka na kaya. Angpangit mo na. Paano ka magkakajowa niyan?” “Pangit na ko?” Bigla akong na-conscoious. I immediately opened mirror app in my phone to check on my face. “God. Roxie! Parang may dumagdag na wrinkles sa mukha ko.” Pagharap ko sa kanya nakatingin din siya sa akin. “Mas pumangit ka nga.” Nilamukos ko nga ang mukha niya! She doesn’t know how to console a person na napapangitan sa sarili. She just laughs at me so hard! “Tangina! Angpangit! Nakikita ko na ang future mo! Ha ha ha!” “Damn you! You’re supposed to say maganda ka pa rin. Hindi ka naman pangit.” Pinalo ko pa siya ng malakas sa braso. I hope nagmarka para magtanda siya. “Angsama mo. Sobrang sama.” She playfully held on both my hands. “Tigil nga. Mapanakit. Ha ha! Sige next time. Bobolahin kita. Kahit may wrinkles ka na!” Tatawa-tawa pa rin siya. “Masyado kang concern sa looks mo, e mas gusto ko ang ugali mo. Char. Bola na ngayon. Haha.” Winaksi ko nga ang kamay niya. “You and your antics. Huwag mo na lang pala akong bolahin. Kinikilabutan ako.” “Ha ha ha! Angbilis magbago ng isip naman! Moody yern? Matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit ang mga matatamis na salita ko. Trial nga sa`yo.” “No way. Diyan ka nga. Matutulog na ko.” Pumasok na ako sa tent. Inabala ko na rin ang sarili ko sa pagba-browse sa internet. Things I do para antukin ako. Checkin` on twitter and I’m tagged in different posts. Sometimes hindi ko nache-check lahat. Why am I tagged in different Yael tweets? Whattheck? May mga edited pictures na parang movie posters. As much as I wanted to share those post, I can’t `coz I don’t want to drag Yael down. Controversies ang umiikot sa akin, hindi pa man din siya nagsisimula baka i-bash na siya ng mga netizens dahil sa akin. I was tagged in Roxie’s recent post. She took a picture from outside. Kita na may spot ng liwanag sa loob ng tent. “Sinong ka-chat mo? Sleep na! Roar!” #KaiRo content only. Not so fairytale story. Lol! @SuperKaiyan” And with just seconds, after her post my notification is bombarded. I found myself smiling with those comments and quote retweets. Some posted quote retweeted it with some short fan fiction dialogs. It’s ‘aliw’ as how Roxie describe such tweets. So lemme hype this more. I heart each tweet that I see and retweet most of the. Yael’s chat head pops up. I accidentally opened it. God! Why? “Hi! Still up?” I have no choice but to reply. “Yup. Missing puyat nights.” Angbilis niyang magreply. She sent some of our pictures from the other day in the arcade. “Candid shots are always the best.” “Marami kang stolen shot ha.” “Ganda kasi ng subject kaya naparami ng pictures.” Nagreply ako ng tumatawang emoji. I don’t plan on replying to his messages more since it’s already past midnight. Pumasok na rin si Roxie sa tent. “Uy nagpupuyat ka. Papangit ka talaga.” Nahiga siya sa kabilang side ni Jeid. She fixed her blanket down to her feet. “Hindi ka pa pwedeng magka-baby. Naku. Uunahin pa ang cellphone kaysa alaga e.” “Says the expert. Tapos mo na ang ginagawa mo?” “Ahuh. Piece of cake. Mag-grab na nga pala ako bukas. Hindi ko muna hihiramin ang kotse mo.” “May work ka bukas? `Di ba work from home ka naman sa website?” “May kailangan akong i-cover e. Kukuha yata si Jewel ng makakasama niyo ni Jeid dito. Three days kasi akong mag-eevaporate. Sayang ang exclusive ha ha!” “Exclusive? Or you’re tired of us? Baka sawa ka na kasama kami ni Jeid? You can always tell us naman. Hindi ka naming kukulitin.” “Epekto ng iniiwan ano? Paranoid.” Pinitik niya ang noo ko. “Baliw. Kailangan kong magtrabaho kasi hindi lang napupulot ang pera. Ha ha!” --- Morning came. Hinihintay na ni Jeid ang pancake sa mesa. Roxie is wearing a pink apron. Gosh! Parehong naka-pigtail ang mga buhok nila! Ano ba naman `yan Roxie! “Matchy-matchy?” biro ko sa mga ito. “Good morning kataas-taasang kamahalan. Puyat pa nga. Kakaselpon mo `yan.” Sunod-sunod na sabi ni Roxie. “Wait lang, Madam. Malapit na pong maluto ang inyong almusal.” “Sipag naman natin.” Naupo na ako sa tapat ni Jeid. Nahihikab pa nga ako. “Why you didn’t wake me up, Jeid?” “`Coz you’re ganito…” Nag-snor siya while her eyes are close. “Tita loud!” “Talaga?” Bumaling ako kay Roxie. “Malakas ako mag-snor?” “Bobolahin ba kita dapat?” God! She’s getting into my nerves this very early! “Nag-aabot na naman ang kilay mo Madam Kamahalan. Oo. Malakas kaya tigil-tigilan ang kakapuyat. Kakahiya paano na lang kapag nagka-jowa ka tapos very malakas ang paghilik mo. Yakdiri na Bebe! Ha ha!” As if there’s a connection with my sleeping habit. I must be just tired as hell yesterday kaya malakas akong naghilik. Ihahatid namin siya sa kanyang bahay niya. Jeid was saddened to know that Roxie will be out for some time. Iilang araw pa lang ang bonding nila pero na-attach na ang bata sa kanya. “Jeid, bantayan mo ang Tita mo ha? Kamo walang magse-selpon pag late na. Papangit.” Crazy. As if hindi ko narinig. May patingin-tingin pa siya sa akin e. “You heard it, Tita?” Bumaling si Jeid sa akin. “No phone. You get ugly.” “Kung anu-ano ang tinuturo mo kay Jeid. Mamaya maniwala `yan.” “Totoo `yon Jeid. Nakakapangit ang pagseselpon. Kaya huwag kang magselpon nang marami. Mag-play ka na lang ng dolls o drowing sa pader! Ha ha ha!” Narating na namin ang bahay niya. Bumaba na rin siya agad. Angdami pang kiss ni Jeid sa pisngi niya. She even counted ten kahit five lang naman ang kisses. This kid talaga! Good for ten days daw ang kiss sa favorite niyang Tita. Well, I guess I’m not the favorite kahit ako ng kapatid ng mama niya. “Kai, huwag marupok. Okay? Ingat kayo.” I just nod. “Ingat ka rin.” She salutes before  opening the gate. Umalis na rin kami. Jeid looks back at her thru the window. “Alone si Tita Roxie. Sad `yon.” “Hindi `yon siya sad. Uhm, where do you wanna go? How about hair cut? Pagupit tayo?” I’m planning to have a shorter hair. I’m kind of thrilled to show Roxie that I can also pull off a boyish look. Maybe I’ve gone crazy for some stuff huh? But I think it would be fun. We arrived at the salon. The staffs were fond of Jeid. She’ll have her hair dyed. It’s gonna be washable so my sister won’t get mad at me. I can imagine her go berserk if she sees Jeid in pink permanent dye. I tagged Roxie in a tweet. “I know I’m more pogi than you @Roxieholic.” I turn my phone in silent mode as the hair treatment begun. Silly things I do to keep up with Roxie’s craziness. Feels okay though. --- After our awesome haircut. We headed to the hospital with Skye. She’s envious of our hair. Dapat daw niyaya namin siya. Kahit `yong washable hair dye lang daw sana. Tinatawanan nga siya ni Gael kasi paulit-ulit siya ng panghihinayang. “Saan ka ba kasi na-busy? Hindi ka tuloy updated sa trip ni Kaiya.” Gael joked. “Ganito ang moving on. Nagiging pogi! Ha ha! Nakita na ba ni Roxie?” Umiling ako. “Hindi nga ako nagpo-post sa social media. I’ll surprise that crazy Roxie. Mas pogi ako sa kanya if I wear her clothes. Ha ha!” “Sis, please. Huwag mo nang baliin ang paniniwala ng mga followers mo. Okay na sila na si Roxie ang crush nila e. Tapos magpo-post ka pa ng pogi ka? Mayayanig na naman ang twitter.” “Hayaan mo na. Mabu-busy naman na ako next week. Hindi ko na mahaharap ang mga ganyang bagay.” “Sus! Hindi ako naniniwala. Ikaw pa! Teka, hindi mo pinansin ang tweets ni Yael kagabi. May nahahalata ako ha.” “Don’t make it an issue. Please lang.” “Okays. E kasi naman `yong tweet ni Roxie angdami mong reacts pero `yong kay Yael. Wala ne isa.” “Pwede ka nang imbestigador.” Komento ni Gael. “Aba e ano bang sabi ni Yael? Hindi kasi ako nakakapag-selpon. May bantay e.” Hinaplos-haplos pa ni Skye ang baba niya gaya ng isang imbestigador sa mga movies. “Edited pictures na parang posters sa movies. And in fairness, anggagaling ng mga nag-edit. Five stars para sa kanila. Itong si Kaiya lang ang hindi maka-appreciate. Fans ang gumawa, b***h. You at least hearted the tweets.” “Mamaya. Isa-isahin ko.” “Panis na! Expired na ang excitement nila. Tinabunan ba naman ni Roxie ng tent picture. De sabog ang twitter! One point kay Rixie, Zero si Yael.” “Tita Roxie made pancake. Masarap,” said Jeid. “And I miss her.” “Patay tayo diyan.” Natatawang sabi ni Skye. “Kuha na ang puso ng bata. Paano ba `yan? Two points na si Roxie. Ha ha!” “They’re not competing, okay? Cut the crop out, Skye. Naririnig ni Jeid mga kalokohan mo.” “Looks like it.” “Marami lang talaga siyang oras sa social media,” sabad ni Gael. “Star kaya `yon si Roxie. Feeling star. Ayaw pakabog. Makikita mo mamaya magpo-post na naman `yon.” “Social media addict.” “Maging masaya na lang tayo na active siya.” Added Gael. “Kapag walang paramdam `yan ibig sabihin may matindi siyang pinagdadaanan.” “And she’s not posting anything disturbing naman,”agreed Skye. “For the past few months it’s all about her, you and work. Iba rin si Roxie maging active sa twitter. Tatlong focus lang. ha ha!” “Baka may ibang account sa paglandi.” Wala sa loob kong nasabi. “Siyempre.” Sang-ayon agad ni Gael. “Pogi siya e. Ha ha!” Now I got more curious! Mayroon nga kaya siyang ibang twitter na pangflirt lang niya? “Oh my Gosh!” Napatingin kami kay Skye. Tutop niya ang bibig niya. “Girl! Si Yael! May pa-billboard! Look!” Billboard ng Cellestials sa may EDSA. He’s one of the faces of the brand so it’s not really surprising to see his billboards. Biglang natawa si Skye. “Angbibilis ng mga KaiRo shippers! Kaaliw talaga!” She showed us her phone. “Solid ng KaiRo promise!” It’s an edited pic of a billboard katapat ng kay Yael. `Yong mismong malaking skin care brand pa ang inedit nila with a caption, “Beke nemen Cielo’s. hindi na lugi dito.” “Quote retweet natin. Sino ang pipiliin ko? Ha ha! Posted!” she then looks at me. “Ikaw? Kung papipiliin ka? Yael o Roxie?” “Huwag mo nga akong papiliin. You know I sucked with choices.”  
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม