Chapter 32-Miss Zynthia's Favor

1911 คำ
Kabanata 32 KAIYA Officially, I’m on vacation from showbiz engagement! Never felt this relax! Dadalawin namin si Gael. Dito din muna mag-stay si Roxie habang nasa hospital pa siya. Nagluluto na nga siya habang pinapanood ni Jeid. “Why mommy not here?” tanong ng pamankin ko. Nakapangalumbaba siya sa mesa habang nakatunghay kay Roxie. “Bantay niya si Tita Gael sa hospital.” Sagot ni Roxie. “Ako muna ang kasama niyo ni Tita Kai. Oks ba `yon sa`yo?” Nag-okay sign si Jeid. “Otey po!” Nilapitan ko na sila. Nagtimpla na rin ako ng kape. Angbango ng sinangag! “Kumusta ang pakiramdam mo?” “Sobrang okay. Hindi naman malikot si Jeid.” Magkatabi nga silang natulog kagabi. Nagkukwentuhan pa kasi sila tapos hayon nakatulog na. “Tita, hindi ka namin katabi.” “May sarili akong kwarto e.” Sumimangot si Jeid. “Sungit, Tita. Mamaya tabi po tayo. Wala mommy.” Idinaan namin si Jeid sa daycare bago kami pupuntang Persona. We’re going to visit Miss Ingrid. She hasn’t seen her niece for quite some time and she’s worried din daw. I’m teasing Roxie that she’s always a kid in her Tita’s eyes. Aminado naman daw siya and she just don’t want to ruin her Miss Ingrid's day. May dala kaming coffee and cinnamon bread para sa kanya. “How is she? Galit ba?” Roxie asked Miss Zynthia before we enter her office. Miss Zynthia shook her head. “She’s just upset. Sa iba pa niya nalaman na nagkasakit ka.” “Paktay.” Dahan-dahang binuksan ni Roxie ang pinto. Miss Ingrid is busy reviewing some designs. “Hi po paborito kong Tita!” masiglang bati ni Roxie. Miss Ingrid pointed at the sofa. God! Roxie turned pale! Napahiya. She’s really bad at being cool infront of Miss Ingrid. Iniayos ko naman ang mga coffee and bread sa maliit na table. “Bruha ano?” mahinang sabi ni Roxie. “Umarte kaya akong may sakit ulit?” “I heard that.” Tinakpan ni Roxie ang bibig niya. Tumigil muna sa pagre-review ng mga designs si Miss Ingrid and she joins us. Humigop siya ng kape saka nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Roxie. “Are you two dating?” “Po? Hindi po.” Tanggi ko agad. “We’re uhm. Friends. Nag-stay lang siya sa amin kasi wala kaming kasama ni Jeid po.” Tumango-tango lang si Miss. “Roxie. Anong na-feel mo sa sagot ni Kaiya.” “Wala. Ano ba dapat? E friends nga kami. Naku, Tita napapadalas yata ang tambay mo sa twitter. Huwag ka maniniwala doon. Katuwaan lang doon. Naku.” “Are you sure? Kasi if you’re dating, hindi ko gustong nag-i-stay ka sa bahay nila. Respeto naman sa parents ni Kaiya.” Tinaas ni Roxie ang kanang kamay niya. “Wala talaga, Tita. Mamatay man ang mga kapitbahay nating tsismosa noon at ngayon.” Nandamay pa talaga siya ng ibang tao. Miss Ingrid turns her glance at me. Seems like she’s waiting na mag-swear din ako. So, I did. I also raised my right hand. This looks crazy. “We’re just friends po. Promise.” “Okay. Actually, wala akong problema kung maging kayo just that you have your own house Roxie. Umuwi ka kapag okay na si Gael. Baka isipin ng parents ni Kaiya hindi maganda ang pagpapalaki namin sa`yo.” “Pagpapalaki mo, Tita. Mas magulang pa kita kaysa sa mga magulang ko e.” I feel some kind of pain in Roxie tone. “Mayroon bang vacancy dito for photographers? Pang-sideline lang.” “Hindi ka ba napapagod? Tanggap ka nang tanggap ng trabaho.” I commented. “You have online magazine pa. What’s with you?” “E kaya ko naman pagsabay-sabayin ang work. Kailangan ko lang ng pera talaga.” “She’s trying to earn more para hindi daw maliitin ng pamilya ng igi-girlfriend niya.” Miss Ingrid casually answered. “Just so you know Kaiya, she sees herself being living with a woman. So, she can’t just be an ordinary person.” “Tita, hindi mo kailangang ikwento naman lahat sa kanya. Sinisira mo ang image kong cool e. Shhh na. Sa ating dalawa na lang `yon.” Miss Ingrid sips her coffee again and smiled. “She needs to know. She’s your friend. She might think you’re too greedy for money.” “Hindi naman po sa gan`on. Curious lang ako dahil parang puro pera ang bukambibig niya. She’s taking lots of work. It’s like she’s not getting rest. It’s so tiresome to imagine.” “Baka daw kasi ang babaeng magustuhan niya ay may matapobreng pamilya. So, might as well be wealthy. Gan`on lang kasimple.” Answered Miss Ingrid. “She watches a lot of tragic girls love movies kaya ganyan siya mag-isip.” Bumaling ako kay Roxie. “Seryoso? Iniisip mo `yon?” “Ahuh!” she nods confidently. “Mabuti na ang advance mag-isip. Hindi kasi lahat ay tulad ng family ninyo na suportado ang kagustuhan ng anak. Kaya nga tuwang-tuwa ako kay Tito e. Nung una ko siya nakilala accept niya ako agad. Parang may tatay ulit ako. Inggit nga ako sa inyo ni Jewel.” “Kaya kampante ako kapag nasa inyo si Roxie. I know `yong father figure na hindi niya naranasan ay nakikita niya sa daddy mo.” I never thought Roxie has this thing on her mind. Ang akala ko lang kasi natutuwa lang sila ni Gael na makipag-bonding kay Papa. “By the way, start na ng workshop next week,” said Miss Ingrid. “Your schedule will be sent to you via email. Roxie, may photoshoot for aspiring Persona models. Kailangan kita to give some insights. Maganda ang pagtanggap ng Pilipinas sa Persona. Malaki ang sales agad.” “Naks naman. E teka may progress ba `yong kay Mrs. Diamante?” Natawa si Miss Ingrid. “Celeste, will join the workshop. I’m surprise she also has that talent.” “Tangina. Lahat na lang gustong subukan ng Celeste na `yon. De siya na ang talented. Ano Tita? Siya din ang model? Ha ha! Ibibida niya ang cleavage niya. Ha ha ha!” “A certain Yael Briones ang nilista niyang model niya. And upon checking his background I found out na pinsan siya ni Yohan. Angliit ng mundo talaga.” “Trot!” Roxie agreed. “Iniiwasan ko pa naman si Celeste tapos parang makikita ko pa siya. Tita, palagyan mo ng cctv na marami ang video baka gapangin ako. Ha ha! Joke lang.” “Umayos ka. Nakakahiya kung makita kayo sa cctv na naglalampungan. Gawin niyo sa ibang lugar kung gusto niyo but not here. For Pete’s sake!” Miss Zynthia enters the office worriedly. “Ma`am, we have an emergency.” “Huh? Ano `yon?” “I need to present my designs in two hours at wala akong model! God! Bakit kasi nag-agree pa ako sa`yo. Pahamak ka talaga kahit kailan.” “Wait. Nag-i-LQ ba kayo?” inosenteng tanong ni Roxie. “Work related pa ba `to? O relasyon na?” “Pwede silang model mo. It’s for wedding naman `di ba?” “Halla! Si Tita, desisyon.” Natatawang sagot ni Roxie. “Magkano bayad? Ha ha ha!” “You’re not gonna ask me kung gusto ko? Desisyon ka din?” Natawa siya sa reaksyon ko. Anong problema niya? I’m not even joking. “Uy, natututo ng slang expressions. Wala pa naman tayong gagawin. Sideline muna tayo.” “Please?” pakisuap ni Miss Zynthia. “Kayo na lang ang pag-asa ko. Ayokong mapahiya doon sa hipong designer ng kabilang company. Pero kailangan din natin ng batang babae para sa little bride.” --- Kasalukuyan na kaming inaayusan ni Jeid. Sinundo siya ni Roxie matapos kong ipinagpaalam kay Ate. This kid is excited when I told her that she’ll get to be a little bride today. Ipapakita lang namin ang desinyong wedding dress and suit ni Miss Zynthia. They have this client from a prominent family and they wanted to have a unique design for their wedding. At ang binigay daw sa kanya ni Miss Ingrid `yong task dahil tinatamad siyang gumawa ng wedding theme dress. The irony of having a friend boss. And as Roxie’s term, marupok si Miss Zynthia when it comes to Miss Ingrid. Even if she means no, she still agreed to this project. Parang meant to be sa akin ang fit ng dress. “Ganito rin kaya ang itsura ko kapag kinasal ako? What do you think? Bagay ko ba?” she faced me and smiled. “Pogi ko ano?” manly ang make-up niya. “Ako ang magde-design ng suit mo kung ikakasal ka. Backless.” “Tama para libre o may discount man lang sana ano? Ha ha! Ready ka na?” Just like a real modeling event, maglalakad rin kami sa rampa while wedding march is being played. What a way to present this design. Roxie walks manly. Umikot siya nang dahan-dahan to show the design of her suit. Sumunod si Jeid. She’s really slaying the ramp model vibe. Slow motion din siyang umikot para makita ang design ng dress niya. When it’s my turn to walk nag-dim ang ilaw and the spotlight was focus on me. I slowly walk towards the center. I turn to show them the gorgeous wedding gown. Nagtantrums na yata si Jeid. Karga na siya ni Roxie nang papalapit sila sa akin e. “Can we take a picture?” asked the couple. “Can you join them Miss Zynthia?” We also took some pictures with the couple. Pinuri nila kaming tatlo and they really thought lalaki si Roxie. “I’m impress with the design.” Sabi ng lalaki. “Persona never fails me.” “Siyempre naman po.” Agreed Miss Roxie. “At kung ito ang pipiliin niyong design Sir and Maam, siguradong magiging solid ang samahan ninyo. As in aabot kayo ng jubilee celebration.” “Anglakas mo mambola ha? Parang mapapa-yes na yata ako.” The guy said in laughter. “Convince me more?” “Ito lang ang masasabi ko, Sir. Ang nagdesinyo ng mga ito ay binigay ang puso at damdamin niya kaya siguradong punong-puno din ng pagmamahal kapag isusuot niyo na ito sa inyong kasal.” Iiling-iling ang lalaki. “We will consider that.” Nilapitan na niya sina Miss Zynthia at ang kanyang fiancée. “Grabe ka ring magconvince ha? Inuuto mo na sila.” She acts slowly turning at me and smiled stupidly. “I do. Ha ha! Practice lang. Bagay ko ang suit `no?” “Baliw. I do ka diyan. Magde-design ako ng mas magandang suit para sa kasal mo if ever.” “Kahit pangit na ang suit ko basta mahal ako ng papakasalan ko. Duh, `yon kaya ang best feeling. `Yong sobrang tagos sa puso ng I do at wedding vow. Totoong pagmamahal, walang halong kemikal.” She then smirks. "Saka huhubarin din naman sa honeymoon! ha ha ha! Roar!"        
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม