Naamlimpungatan ako sa mahimbing na pagtulog nang maramdamang may mga kamay na nakayakap sa aking maliit na katawan. Dati-rati naman ay ayos lang ito sa akin, ngunit ngayon ay para bang hindi na ako sanay. "Cass naman eh, inaantok pa ako huwag mo akong istorbohin!" singhal ko habang tinatanggal ang kanyang mga kamay. Agad nagising ang natutulog kong diwa at binalot ng labis na pagtataka kung bakit lumaki ang mga kamay ni Cassidy. "OMG!" bulalas kong agad napabalikwas ng bangon nang maalalang hindi nga pala si Cass ang aking katabi dahil umuwi siya sa kanila kahapon. Pupungas-pungas kong sinalat ang kanyang noo upang malaman kung may lagnat pa siya at para bang nais kong magdiwang nang maramdamang hindi na ito kasing init kagaya kanina. He is still sleeping, I guess dahil sa nakasara

