Napakunot ng noo si Renzo nang bumaba sila sa parking lot ng isang mamahaling condominium sa BGC. "You have a unit here?" "Yes... Why?" "My friends live here. Mamahalin ang condo na 'to ah." Hindi niya alam kung nanghuhuli ito na sa kanya ba ang condo. Naalala niyang nangangailangan nga pala siya ng malaking pera ngayon para magpanggap pa na mayaman. "A-actually, sa kaibigan ng Tita ko ito." "Hindi ito sa 'yo?" "Hindi. Pero puwede nating gamitin---" "Never mind. Ihahatid na lang kita sa inyo---" "H-huwag!" Napakunot ang noo nito sa biglaan niyang pagtutol. Hindi siya puwedeng umuwi sa bahay ng tiyahin. Iniiwasan nga niya ang Tiya Ghing niya na ibinugaw siya kanina lang. Kapag umuwi siya sa bahay nito ay tiyak na mauuwi na naman siya sa kamay ni Mr. Tan. "You don't want to go

