It’s been five days since nandito ako sa resort nina Jay dito sa Negros Oriental. Mabuti at medyo malayo ito sa kabihasnan. It’s a rainforest resort. Nasa gitna ito ng masukal na kagubatan. The resort is private kaya imposibleng masundan ako rito ng mga guwardiya sibil nina mama at papa. I turned off my cellphone pero may landline naman kung saan tumatawag si Kate para kumustahin ako. Pabalik-balik daw si Nate sa kanya pero itinatanggi niya na alam niya kung nasaan ako.
Plano naming magpabook ng international flights sa Laoag City at Cebu City papunta sa magkaibang bansa para sa akin para mailigaw sila kung sakaling may access sila sa airport pero di ako pupunta. After a month saka ako totoong aalis papunta sa ibang bansa mula sa DMIA.
Pagbaba ko ng hotel nung gabing tumakas ako ay nag-aabang na si Jay para ihatid ako sa pier. Sumakay ako ng ferry papuntang Negros at may sumundo rin sa akin papunta dito. Luko-luko din si Jay minsan palibhasa ay drag racer pero ngayon napatunayan kong mabait rin pala siyang kaibigan.
May mag-asawa silang katiwala rito, akala nga nila nung una ay girlfriend ako ni Jay pero sinabi ko naman na hindi.
Malaki ang villa nila. Tatlong palapag ito at may walong malalaking rooms dito sa 2nd floor at walo rin sa 3rd floor. Sa baba ay ang malawak na sala na may mahabang bar counter. May billiard hall din at music lounge. Sa labas ay may malawak na pool at garden. Bukod sa katiwala nila ay may iba pang trabahador.
“Ate!” sigaw ko nang makita yung babaeng katiwala na nakahawak ng basket. Agad akong bumaba ng veranda.
“Mamamalengke po kayo? Puwede po ba akong sumama?” tanong ko. Nag-aalangan naman ito.
“Naku mainit doon, ma’am at di kaigihan ang amoy.” Saad nito. Napaisip ako pero dahil batung-bato na ako ay sumama pa rin ako. May service silang pick-up at yung asawa niya ang nagdadrive.
Sumama akong nag-grocery. Pero nung pumunta siya ng wet market ay naiwan nalang ako sa sasakyan.
Pagbalik namin, nagulat ako nang may madatnan kaming mga Van sa loob ng resort. Kinabahan ako. Natunton na yata nila ako.
Nag-aalangan akong pumasok ng villa but I heard some music kaya binuksan ko nalang ang pinto.
“Hi there Jelna!” masayang bati ni Jay sa akin pagbukas ko ng pinto. Nakahawak ito ng bote ng beer at nakaupo sa malawak na sala. Kasama nito ang ilang drag racers. May anim na lalaki siyang kasama at limang babae. Namumukhaan ko ang iba sa kanila. Kanya-kanyang partner ang mga kasama niya.
“Hi! Si Kate?” lumapit ako sa kanya hoping na sana sinorpresa lang nila ako ni Kate. Wala naman kasing nababanggit si Kate na pupunta siya.
“Hindi sumama, busy raw.” Tugon naman niya.
“Beer?” alok niya nang mapansin ang pagtahimik ko.
“Nope. Akyat na muna ako.” Saad ko. Napatango naman ito.
Nagkulong na lamang ako sa kuwarto. I don’t like to join them lalo na at wala si Kate. Siya lang naman ang kasundo ko sa mga gimikan.
Past seven ng katukin ako ni Jay.
“Dinner time!” nakangiti niyang bungad pagbukas ko ng pinto. Medyo tipsy na ito.
“Okay, sunod na ako.” Tugon ko.
Ngumiti naman ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I felt a little awkward.
“Baka gusto mong sumama sa aming mag-night swimming sa pool?” anyaya niya.
“Di na siguro. Inaantok na kasi ako.” Tugon ko.
“Okay!” saad naman niya at tumalikod na. “Sunod ka na ha!’ sigaw niya bago tuluyang lumiko sa pasilyo papunta sa hagdan.
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang sumunod na sa baba.
Sa may pool area sila nagpahanda ng buffet. May mga ibang kumakain habang umiinom. May iba namang nagsuswimming at kumakain sa gilid ng pool. May isang pares naman na nasa gilid at naglalampungan. Mga lasing na talaga sila.
Kumuha nalang ako ng plate at pagkain saka umupo sa di okupadong table.
“Hey, Jelna!” tanong ng isang lalaking kasama nila at umupo sa tabi ko.
“You know me?” I asked.
“Of course! Lagi kang nananalo sa girls race, everybody knows you!” ngingisi-ngising saad nito.
“Okay!” napatango nalang ako.
“So…” he touched my arms using his index finger. Before I could even react Jay shouted at him. “Hey! Stay away from her!”
Napakamot naman ito sa batok. “Relax, man!” saad nito while raising his both hands.
“Ginugulo ka ba niya?” tanong ni Jay paglapit.
“Hindi naman.” Saad ko.
“Good!” Napapatango nitong saad.
Hindi ako makakain ng husto dahil nararamdaman ko ang paghagod niya sa akin ng tingin kaya minabuti kong tumigil na lang.
“Oh, tapos ka na? Ang konti lang ng kinain mo.” Komento niya nang di ko na ginalaw ang natitira sa plate ko.
“Busog pa kasi ako.” Alibi ko. Ayoko kasi ng mga tingin niya sa akin.
“Sige, akyat na ako sa room.” Saad ko at tumayo na. Saka mabilis na naglakad papunta sa loob ng villa.