#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 53 “Timothy…” mahina kong sambit sa kanyang pangalan habang titig na titig ako sa kanya. Sa totoo lang… na-miss ko siya. Sobrang na-miss ko siya. Nakita kong napangiti siya. Mukhang narinig niya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. “Please have a seat…” sabi nito. Wala ako sa sarili na sumunod sa kanya. Naupo ako sa kaliwang upuan na nasa harapan ng office desk niya. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kapwa nakatingin lamang kami sa isa’t-isa. “Magtitigan na lang ba tayo?” tanong nito na bumasag sa katahimikan. Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko iyon. Kaagad akong umayos ng upo sa inuupuan ko. Pero halos mapalundag ako sa inuupuan ko dahil sa gulat ng bigla itong tumayo mula sa

