#ThatGuy EPISODE 23 “O… Natutulala ka na naman…” narinig kong sabi ni Timothy na nakaupo sa tapat ko. Napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng library ng school at magkatapat kaming nakaupo sa may pandalawahang mesa na nasa bandang dulo ng nasabi kong lugar. “Ha?” pagtataka kong tanong. Ewan ko pero nawawala na yata ako sa sarili ko. “Tignan mo… Natutulala ka na… Nabibingi ka pa…” nangingiting sabi nito sa akin. “Magpokus ka kaya dito sa research natin para matapos na natin kaagad…” sabi pa niya. Oo, tinutulungan niya muli ako sa part ko sa research para matapos na. Ilang araw na lang rin kasi ang nalalabi bago ang pasahan at ako na lamang ang hindi pa natatapos sa part sa research dahil na rin sa lagi akong hindi maka-pokus na gawin ito. Hay! Kasalanan i

