#ThatGuyBook2FallInLoveWithMe EPISODE 67 “Oh my g! Oh my g! Oh my g!” sigaw ni Sophia habang pinapaypayan pa ang sarili gamit ang palad niya. Nandito siya ngayon sa bahay dahil day-off ko at gusto raw niya akong makasama. Ewan ko ba dito, ang OA lang ng reaksyon niya ng sabihin ko sa kanyang kami na ni Timothy. “I can’t believe this! Talaga? Kayo na?” tanong pa nito. Napatango ako. Siyempre, kaibigan ko siya kaya kailangan rin niyang malaman. Napangiti ito. “Grabe… Sabi ko na nga ba... Kayo rin ang magkakatuluyan. Congratulations.” Sabi nito. Nakikita ko naman sa kanya na masaya siya. Napangiti ako. “Oo nga pala… Magkwento ka naman… Paano naging kayo? Paano siya nagtapat na mahal ka rin niya?” tanong nito. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Isa-isa kong

