"What?" tanong ni Richard ang siyang nagpabalik ng aking diwa. "Ahm..." atubili kong sabi. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko." Bahagya akong lumayo sa kaniya para bigyan pagitan ang katawan naming dalawa. Mahirap na, baka kapag hindi ko iyon ginawa ay mamalayan ko na lang nasa bahay na niya kami. Roar! "I'm Richard." Napakunot ang noo ko ng bigla na lang siyang magpakilala sa akin. "And you are?" pahabol pa niyang tanong na para bang hindi man lang pansin ang aking pagkatigagal. Nagugulumihanan man ay lihim pa rin akong natuwa dahil hindi niya ako nakikilala. Hindi niya malalamang ako iyong isa sa kaniyang mga kasamahang panay ang tanong kung saang hotel siya natulog kasama ang ibang babaeng kasamahan din namin sa trabaho. "Are you okay?" Ipinitik ni Richard ang kaniyang

