#HGDChapter35 Confrontation "Sir Jude, hindi po ba talaga puwedeng umuwi na kami?" aligaga kong tanong sa teacher ni Mattie na maiging natahimik na nang bigyan siya ng pizza ng isa pang teacher niya. "May problema ba, Thine?" tila nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Jude. Umiling ako at pilit na ngumiti kahit ang t***k ng puso ko ay tila nagkakarera pa rin dahil sa tagpong kinasuungan ko kanina. "May aasikasuhin sana ako p-pero kung hindi puwede ay ayos lang." "Kung mahalagang-mahalaga ang aayusin mo puwede mo namang iwan na lang si Mattie—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis na umiling. "No Sir Jude, a-ayos na pala tatawagan ko na lang si Beauty." Ni ang bitiwan ang kamay ni Mattie kanina ay hindi ko magawa iyon pa kayang iwan siya mag-isa. Nasaan na ang sinasab

