Kinakapa ko ang aking cellphone mula sa ilalim ng aking unan. Kanina ko pa naririnig ang nakakarinding tunog ng aking cellphone eh! Ilang saglit pa ay nakapa ko na ito. "Sino ka bang Puncho Pilato ka at nanggugulo ka sa pagtulog ko!" Naiinis kong pagsagot sa tawag. Puyat na puyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip kung paano ko makukuha si Allym. Ngayon ko lang kasi itong ginawa dahil mga babae naman ang nga nangliligaw dati sa akin. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito ngayon dahil lang sa isang babae kaya napagtanto kong kailangan kong makuha si Allym dahil parang nahuhulog na ako sa kanya ng tuluyan. "Kung hindi ka ba diyan babangon, bobombahin namin ang bahay niyo!" Pagbanta niya sa akin. Napailing na lamang ako dagil sa kanyang sinabi. "Ano ba problema mo ha Dustin!? Gusto mo i

