Chapter 50 Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuhan dahil sa gulat na aking maramdaman. "Kailan ka pa nakauwi,kuya?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Matagal at ramdam ko ang kanyang pangungulila. Ginantihan ko ang kanyang yakap. "Namiss kita ng sobra,bunso. Ako ba? Namiss mo rin ako?" Bulong niya sa akin. "Syempre naman,kuya. Matagal ka kasing nanatili sa Manila at hindi kana umuwi ng mahigit dalawang taon." Sabi ko sa kanya. Humiwalay kami sa pagyayakapan at tinitigan niya ako na nakangiti. "Pasensya ka na,bunso at naging busy lang sa pag-aaral at sa mga bagay-bagay." Sagot niya sa akin. "Kahit sa mga pasko hindi ka rin umuwi. Tanging skype lang kita nakikita noon." Dagdag ko pa. "Naku naman. Itong

