Tignan lang natin kung hindi pa titigil ang lalaking yun dahil sa aking sinabi kanina. Alam kong napasobra ang mga nasabi ko pero anong magagawa ko eh yun ang tunay kong nararamdaman at yun ang alam kong tama. Sino ba naman kasi ang lalaking makikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki? Eh mga bakla lang naman ang may gusto ng ganun at hindi ako kasama dun. Babae ang gusto ko hindi sa lalaki. Ewan ko nga kung bakit ganun ang ikinikilos ng Clark na yun eh. Sinasayang niya lang ang gandang lalaki niya kung hindi siya magtitino. Nagdesisyon na lamang akong magpunta sa aming gym. Wala naman kasi akong magagawa eh..magpapapawis na lamang ako at magtratraining na rin. Nagpunta ako sa aking locker at kumuha ng ekstra kong damit pangbasketball. Nang makapagpalit ako ay nagtungo ako sa lalagyan ng mga

