"Saan ba tayo pupunta ha!" Naiinis kong tanong sa lalaking kasama ko. Langya kasi itong lalaking to.eh! Kung may magagawa lang ako para hindi sumama sa kanya ay ginawa ko na pero wala eh..hawak ako sa leeg nito. "Sumagot ka nga kung hindi masasakal kita!" Dagdag ko pa ng hindi siya sumagot. Nakangisi lamang siya habang abala sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan. Dahil wala naman akong makuhang magandang sagot mula sa kanya ay tumahimik na lamang ako. Pinabayahan ko na lamang siyang magdrive kung saan man niya ako dadalhin. Medyo malayo na rin ang nagiging byahe namin pero eto, nakasakay pa rin kami sa sa kanyang sasakyan. Napapansin kong napapatingin siya sa aking kinalalagyan minsan pero hindi ko na lamang pinapansin. Baka mag-isip pa ito ng kung ano kapag pinatulan ko ang pagsulyap n

