Chapter 53 ............... "Nasaan tayo?" Nagtataka kong tanong habang inililibot ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan kami ngayon. Maluwag ang lugar at may mga iba't ibang kagamitan na karinawan kong nakikita sa mga laboratoryo. Inilibot ko ang aking paningin at mayroon pang mga hayop na patay na nasa mga garapon. Hindi ko matagalan ang aking mga nakikita kaya ibinaling ko na lamang ang aking atensyon kay Karldrick. Naramdaman kong hinawakan ni Clark ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. Sa tingin niya, kampante akong ligtas ako sa tabi niya. Pinaupo kami ni Karldrick sa isang upuan habang siya ay naglakad at patungo sa isang nakatalukbong na bagay. Inalis niya ito at nakita namin ang white board na may mga nakasulat na mga salitang ang hirap intindihin. "Hindi ba ito a

