Chapter 29 Nagising ako dahil sa pagtapik sa aking pisngi. Dahan dahan kong ininulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang mukha ng isang lalaki. Napatitig ako sa kanyang mukha dahil hindi ko siya kilala. Ilang saglit pa ay bumalik lahat ng nangyari kanina kaya nagpanic ang aking sistema. "Sino ka!?" Natatakot kong tanong sa kanya. Napaatras ako sa kama habang nakatingin ako sa kanyang mukha. "Huwag kang matakot sa akin Flue, inutusan lang ako ni Karldrick na gisingin ka." Sagot niya sa akin. Nang marinig ko ang kanyang boses ay may nahalata ako sa lalaki. Parang may pagkamalambot ang tinig niya. Napabuntong hininga ako sa aking kinalalagyan at muling tinanong kung sino siya. "Ako pala si Exel." Maikling sagot niya sa akin. "Tumayo ka na raw para makapaghanda ka na sa gagaw

