HOPE IN LOVE (TWENTY ONE) Oh well! Medyo tahimik na ang bakasyon dahil nagsibalikan na sa kanilang mga bahay-bahay ang mga kamag-anak namin. sina mama at papa din kakaalis lang kanina. Si kuya mag-extend pa. "Anong oras kayo magkikita ng mga kaibigan mo maam?" "9:00 Ayaw mo talagang sumama?" Umiling siya. "Pagod pa ako e. Pasalubong na lang?" nakahiga pa siya naglalaro ulit ng candy crash. "Naadik ka na naman diyan. Hindi mo na naman ako papansinin." Tiningnan niya ako tapos bumalik ulit sa paglalaro. Pero umusog siya pakaliwa. "Maaga pa. dito ka muna maam." Go signal! Yes! Bihis naman na ako e. Tumabi ako sa kanya. HIndi lang tumabi umakbay pa ako. hindi naman niya ako pinigilan pero nakatuon lang ang pansin niya sa paglalaro. "Matagal kayong gagala?" tanong niya. "HIndi ko alam

