Chapter 9

2467 คำ
PABAGSAK na naupo si Maxine, nagtataka siya sa kinikilos kani-kanina lang ni Van. Anong nangyari? Anong problema? Bakit bigla ang lamig nito sa kanya? Nag bago naba ang isip nito? Nagbago na ba ang nararamdaman nito? Galit ba ito? Nagugulohan siya and at the same time nasasaktan siya. Hindi siya sanay ng ganito ang pakikitungo nito sa kanya. “M-May nagawa ba akong mali? A-anong nagawa ko para magalit siya?” nalilitong tanong niya sa kanyang sarili. Bakit ganun? HABANG si Van naman ay isinandal ang ulo ng maka-upo an siya sa driver seat ng kanyang kotse. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Anong ginawa niya? Hindi niya napigilan ang sarili na maging malamig sa dalaga. Hindi dapat ganun ang ginawa niya. Pero kailangan niyang tikisin ang kanyang sariling nararamdaman. Pinisil niya ang bridge ng kanyang ilong saka nag buntong hininga. “Ang saya-saya niya. Ako pa ba sisira ng kaligayahan niya? Mas mainam nga siguro ang lumayo muna ako sa kanya.” Pinihit na niya ang susi para paandarin ang kotse. Sinulyapan muna niya ang kanyang wrist watch bago tuluyang pinasibad ang kotse. Hindi niya napansin ang patuloy na pag ring ng kanyang cellphone dahil naka silent mode iyon. “ASAR!!” bulalas ni Maxine ng ilang ulit na pinag-ring niya ang phone ni Van at di iyon sinasagot. Lahat nauuwi sa operator ang kanyang pag tawag dito. “Ano bang problema mong lalaki ka!?” binitawan niya ang kanyang phone.” Isang linggo lang Van.. at kapag di ka bumalik, I swear susunod ako ng Palawan!!” Yamot na muli niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si Irene. “SIS!!” Napalingon si Maxine sa tumawag sa kanya. Nakangiti si Irene habang palapit ito sa kanyang table. Naroon sila ngayon sa Starbucks. Tinawagan niya kasi ito para sabihing magkita sila at doon nga ang lugar. “SO.. ano ang mahalaga nating pag-uusapan, My Dear?” nakangiting bungad nito sa kanya. “O-Oh.. teka.. bakit Sad ka? Hmm hulaan ko, nag sisi kana na nag back out ka s akasal ninyo ni Jovani?” Napa-iling siya. “So?” “It’s all about Van.” Napa-yuko niyang sagot dito. “Hmm what about Papa Van huh?” kita niya ang kakaibang ngiti nito at kislap ng mga mata ng marinig ang pangalan ni Van. Hindi niya kaagad magawang sumagot. Paano ba niya sasabihin dito? Ano magiging reaction nito kapag sinabi niya rito ang totoo kung bakit siya nag back out sa kasal nila ni Jovani? Kapag sinabi niya na si Van ang dahilan.. ano nalang ang iisipin nito sa kanya? Na pinatos niya ang magkapatid? Ang saklap noon! “Hoy Sis!!” Bahagya pa siyang nagulat ng hawakan nito ang kanyang mga kamay. “Sis?” “H-Ha?” “Ano nga? Anong problema kay Papa Van?” “I.. I--..” “What?” nandidilat na si Irene sa pag hihintay ng kanyang sagot.. Anong sasabihin niya? Na may nangyari sa kanilang dalawa? Ano nalang ang iisipin nito sa kanya. “Re-Arrange my wedding!” “Hu-WHAT!!??” kulang nalang ay lumapat sa lamesa ang baba nito sa pagkakabuka ng bibig. Obvious na subrang nabigla ito sa kanyang sinabi. “U-Ulitin mo nga ang sinabi mo?” anito sabay ngiti. “Sabi ko sayo ei.. huwag kang padalus-dalos ng desisyon. Sa wakas matutuloy din ang kasal ninyo ni Jovani—“ “Hindi kami ni Jovani.” “HHA!?” nganga nanaman ito. “K-Kung hindi si Jovani.. s-sino? Grabe ang haba ng Hair mo, ang dami mong lalaki! Pahingi naman ng isa. Ay paubaya mo nalang sa akin si Papa Van. Alam mo kasi noon ko pa Crush yong Best friend mo kaso All eyes siya sayo.” “H-Ha? Ka-Crush mo si Van? G-Gusto mo siya?” “Uhm-hmm..” anito sabay sunod-sunod na tango. “Kaya lang manhid siya sis. Gusto ko na ngang akitin at pikutin ei. Paano kasi sayo lagi nakadikit. Sayo lagi nakatingin.. ayoko lang talaga isipin na may gusto siya sayo at naku sis.. papakamatay ako!! ” tatawa-tawang sabi pa nito. Nanatiling awang ang bibig ni Maxine na di malaman ang isasagot dito. “Please naman sis.. tulungan mo ako kay Papa Van.. tas pag ikinasal ka sa akin mo ihagis ang Bouquet mo. Hmm ayos ba yon ha.?” “Ah.. eh..” NANLALAMBOT parin si Maxine kahit matagal na siyang naka-upo sa loob ng kanyang kotse. Di parin maalis-alis sa kanyang isip ang mga sinabi sa kanya ng kaibigang si Irene. Hindi siya makapaniwala na seryoso si Irene ng sabihin nitong gusto nito si Van? Dati akala niya binibiru-biro lang nito ang binata yon pala nagpapalipad hangin pala ito. Hindi tuloy niya naulit sabihin dito na ire-arrange ang kanyang wedding. Ito lang naman ang maasahan niya bilang mahusap na wedding coordinator. Anong gagawin niya? Muli na niyang in-start ang kanyang kotse at pinilit na makaalis sa lugar na iyon. Natagpuan niya ang kanyang sarili na nasa loob ng elevator at hinihintay na tumapat sa floor na kinaroroonan ng CEO ng Villarama Group of Companies. Ilang saglit pa at tinatahak na niya ang Opisina ni Jovanie. HABANG mabilis na napatayo si Lanie ng matanawan ang dalagang alam niyang Girlfriend ng kanyang Boss na si Jovani. Bahagyang huminto ang dalaga at bahagyang napatingin sa kanya, dala ng nararamdamang guilt dahil sa isang gabi ng pagkalimot nila ng kanyang Boss hindi niya kayang salubungin ang tingin nito kaya naman agad siyang napa-yuko. Dinig niyang nag simula na itong humakbang palapit sa pinaka pinto ng Opisina ng kanilang Big Boss. “s**t!” bulalas ng kanyang isipan. Pakiramdam niya ang liit-liit niya sa paningin nito. Napaangat lang siya ng ulo ng maramdamang nakalampas na ito sa kanyang tapat. Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang dalawang palad. Ano itong gulong napasok niya? Nakasira siya ng Relasyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng buong Kompanya na malapit ng ikasal ang mga ito. Nanginginig ang kanyang mga tuhod kaya dahan-dahan na siyang naupo ng marinig na nag bukas at sara ang pinto ng opisina ni Jovani. “L-Lanie, Ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ng katapat na lamesa ng kasama niyang Secretary. (tulad ng sabi sa mga previous Chap.. di ko lam kung anong chap. Dalawa ang secretary ni Boss Jovz. Haha) Hindi magawang sumagot ni Lanie dahil nanginginig parin ang kanyang katawan. Ano bang nangyayari sa kanya? Natatakot ba siyang awayin siya ni Maxine? SA LOOB NG OPISINA NG CEO Salubong ang kilay ni Jovani na nag angat ng tingin ng marinig niyang bumukas ay nag sara ang pinto ng kanyang Opisina. SInong walang Good manners ang papasok basta-basta ng kanyang opisina ng walang pasabi o di niya pinatatawag. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para pagalitan ang pangahas na pumasok ay natigilan siya. Nanatiling naka-awang ang kanyang bibig na nakatingin sa dalaga na palapit sa kanyang table. “M-Maxine?!” mabilis siyang napatayo ng makabawi sa pagka bigla. Nsa tapat na niya ito ngayon. Lalo siyang nataranta ng Makita ang malungkot nitong mukha samantalang ng iwan niya ito kanina ay masaya naman ito. “M-Maxx?” inalalayan niya ito patungo sa mini sala sa kabilang bahagi ng kanyang Opisina at pina-upo ito roon. “Ayos ka lang ba ha?” Subrang nag-aalala siya ngayon dito. Ayaw naman nitong mag salita. TAHIMIK LANG si Maxine. Nahihiya nga siya kay Jovani lalo nan g Makita ang subrang pag-aalala sa mukha nito., ito ang naisipan niyang takbuhan dahil wala siyang maka-usap. “Ano bang problema mo? C’mon.. Tell me. Willing naman akong makinig.” Sabi nito na bahagyang naka-yuko sa kanyang harapan. “A-yos l-ang ako.” Sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Kahit pa pumiyok ang kanyang boses. “B-Bumalik ka na sa table mo. Mag trabaho kana.” Taboy niya rito. Tumayo ito ng tuwid at sinuksok ang mga kamay sa mag kabilang pocket nito. “Nakita ko si Van sa Labas ng bahay mo kanina. Nagka-usap ba kayo?” Napatingin siya rito ng bahagyang nakatingala upang Makita ang mukha nito. “Nagkausap na ba kayo?” ulit nito. Napailing siya bilang sagot. “Ano bang Plano ninyong dalawa? Ano bang pinag usapan ninyo bago kayo nag hiwalay sa Palawan at umuwi ka ng una?” Wala siyang maisagot sa tanong nito dahil basta niya ito iniwan doon at tanging maiksing notes lang ang iniwan niya. At kanina ng mag kaharap sila, wala parin silang matinong pinag-usapan. Umalis din agad ito. Dinig niyang nag buntong hininga ito. Marahil naiinis na ito sa kanya dahil wala siyang maibigay na matinong sagot dito. “Ayos lang ba na dito muna ako? H’wag mo akong pansinin. Bumalik ka na sa trabaho mo.” Binigyan siya nito ng nang-aarok na tingin. Umangat pa nga ang sulok ng nguso nito. Maya ay lumapit ito sa desk nito at dinampot ang telepono. Nakatingin lang siya rito habang nakatalikod ito. Maya-maya ay bumalik ito at naupo sa single sofa sa kanyang tapat. Tahimik itong nag di-kwatro ng upo habang hinihimas nito ang baba nito na tila napapaisip. “Nag away ba kayo ni Van?” pagkuwa’y tanong nito. “Pero imposeble! Hindi si Van ang tipong aawayin ka.” Mabilis nitong bawi sa sinabi na tila sarili ang iniisip. Namagitan s akanila ang katahimikan. . . . TOK TOK TOK!! Sunod-sunod na katok sa pinto ang kanilang narinig kaya sabay pa silang napalingon doon. Bumukas yon at pumasok si Lanie. “E-Excuse me Sir, narito na po ang pina-order ninyong Merienda.” Habang palapit ito sa dalawa. Di ito makatingin alin man sa kanila. Matapos nitong ilapag yon sac enter table na nakapagitan s akanila ay agad itong nag paalam na lumabas. Pasimple niyang tiningan si Jovani, nakasunod ang tingin nito sa secretary nito habang palabas ito kaya naman bahagya rin niya itong nilingon. Wala na ang babae ay nakatingin parin si Jovani sa nakalapat ng pinto. Kinapa niya ang sariling damdamin, nakapag tataka.. wala na siyang maramdamang galit ngayon kumpara noong maabutan niya ang dalawa sa Unit ni Jovani na kapwa walang saplot. Napatingin siya rito kaya naman nagulat siya ng makitanag nakatingin pala ito sa kanya. Tipid niya itong nginitian para di na ito mag isip ng kung ano pa man. “Kumain na tayo.” Anito na di naman nabago ang eksprsyon ng mukha nito. Kumilos na siya at inayos ang pagkain na ipinasok ni Lanie. SA PALAWAN, RESORT. Ginugol ni Van ang lahat ng kanyang Oras sa trabaho. Ginawa niyang lahat para kahit pansamantala ay malimutan si Maxine at sa Trabaho lang ang kanyang focus. Halos dalawang oras lang ang tulog niya at doon lang siya natutulog. Kung minsan nga ay Idlip lang ang ginagawa niya. At Last, araw ng Sabado.. makalipas ang ilang araw na pagpapaka-subsob sa trabaho, natapos din ang kanilang project. Dapat ay may over night pa silang lahat na kasama sa project na iyon para pahinga sa resort na iyon at magpakasaya pero matapos lang niyang makipag usap sa owner ng Resort ay nag paalam na siya para bumalik ng Maynila. Pinayagan naman din agad siya nito. At tulad ng pag punta niya ng Palawan, Private Plane din ang maghahatid sa kanya pabalik ng Maynila. Excited siya na ewan. Langyah! DI siya mapakali sa kina-uupuan habang lulan na siya ng private plane pabalik ng Maynila. Panay ang kanyang sulyap sa kanyang cellphone. Maraming Missed calls nanaman yon mula kay Maxine. Manganic-ngani ng tawagan niya ito pero anong oras na? marahil tulog na ito dahil alas sinko pa ang huling missed call nito. Binuksan niya ang kanyang inbox at paulit-ulit na binabasa ang mga previous txt nito. *Sigh!* Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata, saglit nalang at lalapag na sila sa NAIA. From there magtataxi nalang siya. HABANG SI Maxine naman ay di makatulog. Hawak din niya ang kanyang cellphone at nag-iisip kung muling idadial ang numero ni Van. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya ang biglang panlalamig nito sa kanya. Alam niyang galit ito dahil kung hindi.. from time to time nagti-text ito o kaya tumatawag para kumustahin siya. Noon pa man ganito na ito at iyon ang kanyang kinasanayan. Nang biglang mag vibrate ang kanyang phone. Muntikan pa niya itong mabitawan. May nag text? Pakiramdam niya ay lumundag ang kanyang puso ng mabasa ang pangalan ng sender. “V-Van..” Excited niyang binasa yon. “I MISSED YOU!” Kumabog ng husto ang kanyang dibdib ng mabasa yon. “I MISS YOU!” “I MISS YOU!” “I MISS YOU!” “I MISS YOU!” Paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip habang nasa tapat ng kanyang dibdib ang kanyang phone at walang puknat ang kanyang pagkaka-ngiti. Mag rereply ba siya? Ano ang sasabihin niya? IBINALIK NI VAN ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa ilang minuto matapos mai-send ang kanyang text saka muling ipinikit. Hindi na siya mag hihintay ng reply nito. Kung di ito tulog baka kausap nito si Jovani. Pinag-uusapan ng mga ito ang plano ng naudlot na kasal ng mga ito. NAKAUWI na si Van ay walang kaalam-alam ang mga tao sa kanilang bahay, Palibhasa may sarili siyang susi ng front door kaya anytime ay nakaka-uwi siya.. Agad siyang tumuloy sa kanyang kwarto. KINAUMAGAHAN, excited na gumising si Maxine at cellphone agad niya ang kanyang tiningnan sa pag babaka-sakali na may txt uli si Van. Sa subrang tuwa niya kasi kagabi nakatulugan niya na hawak-hawak ang kanyang phone sa tapat ng kanyang dibdib. Nakalimutan tuloy niyang i-text back ito. Mayroon ngang tatlong messages pero ng buksan niya iyon ay na-disapoint siya dahil hindi yon mula kay Van kundi kay Irene. Hinihingi nito ang number ni Van??? Nayamot siyang bigla sa isiping gagawin nito lahat mapansin lang ni Van. AYaw naman niyang isipin nito na pinagdadamot niya ang number ng binata kaya nireplyan nya ito at binigay ang number ng kaibigan. Kahit na ang kanyang puso ay tigas sa pag tutol. NAGISING SI VAN sa sunod-sunod na pag tunog ng kanyang phone. Kahit pa antok na antok at halos di maimulat ang mga mata dahil 4am na siyang nakatulog kanina ay pinilit niyang abutin ang kanyang cellphone. May lima siyang messages. “Hi Van! =))” “Good Morning!” “By the way, it’s me Irene. Friend at wedding Planner nina Maxine at Jovani.” “Hey! Still sleeping?” “huwag kang magagalit ha.. hiningi ko kay Maxine ang number mo hehehe..” DI na maipinta ang mukha ni Van habang binabasa ang huling text message. Antok na antok siya at ang sakit ng kanyang ulo tapos makakabasa siya ng mga ganitong text? “Arrggg!!!” Pabagsak niyang inilapag ang kanyang phone at inabot ang isang unan saka itinakip iyon sa kanyang mukha. Kung sanay text yon ni Maxine baka natuwa pa siya. Naisaloob niya saka muling natulog. ----ITUTULOY----
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม