GALIT na galit na sinira ni Cheska ang mga nakaayos nang reception sana ng kasal nila ni Rainan. Hindi siya maawat ng kaniyang mommy para pigilan siya sa pagwawala niya. Pati ang organizer na napasulpot ay biglang napatunganga sa ginawa niya. “What’s wrong? Bakit mo sinisira ang mga arrangement dito, Miss Tan? Bukas na ang kasal ninyo ‘di ba?” gulat at nagtatakang tanong ng organizer. “It’s over! No more wedding! Tinalikuran at itinakwil na niya ako at kinamuhian!” namighating bulalas niyang Pagtukoy Kay Rainan. Lumapit ang mommy niya para pakalmahin siya nguni’t nagpumiglas siya. Ayaw niyang tumalima. Hindi alam ng ginang kung paano siya nito pahumahin. “What happened, Doc. Lyn? May nangyari po ba?” tanong ng orgnizer sa ginang. Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa nguni’t patuloy

