“PASENSIYA ka na, Lakay ko, kung binuksan ko na ang bag mo para maghanap ng isusuot mo. Nag-aalala kasi ako baka ginawin ka,” kaagad na sabi ni Izaria kay Rainan nang makalapit ito sa kaniya. Nakakuha siya ng malinis na bimpo at ‘yon ang ipinampunas niya sa basang katawan ng nobyo. Hindi niya ipinahalata ang animo’y nangangatal sa kilig niyang katawan dahil hindi niya maiwasang mahawakan ang makikisig na kalamnan nito. Kinagigiliwan niya ang bawat paghimay niya ng punas sa balat nito. Batak sa trabaho ang katawan nito at siguradong kaya siya nitong protektahan sakaling may magtangkang manakit sa kaniya. Nagpaubaya naman ang nobyo at hinayaan siya nito na tuyuin niya ang basang katawan nito. “Napakasuwerte ko talaga sa iyo, baket ko. Maalaga na, maganda, at malambing pa,” tuwang sabi nit

