NAGKAMALAY si Rainan na nakahiga sa silid ng recovery room ng ospital. Namulatan niya na nasa kaniyang tabi si Cheska. Ito ang nagbabantay sa kaniya. Nasalat niya ang sariling noo. Kumusot ang mukha niya nang maramdaman ang pagkirot ng sugat niya. “Bakit mo kasi hinawakan? Sasakit talaga iyan,” nakangiting saad ni Cheska. Napatingin siya rito. Parang walang nangyari, kilang-kilala niya ang babaeng nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. “Kanina ka pa ba riyan?” tanong niya. Tumango ito. “Oo. Kaaalis lang ni Mark, siya ang nagtakbo sa iyo rito para maipagamot ka kaagad. Kumain ka na, babe. Kanina pa naghihintay itong sopas. Lalamig ito mamaya,” mahinahong sabi nito. Hindi niya tinanggihan ang pagpasubo nito sa kaniya ng hinipang sopas sa kutsara. “Ano’ng nangyari sa akin? Bakit na

