INANYAYAHAN si Rainan ng Tito Marco niya sa isang private room ng kompaniya para sa mahalagang pag-uusapan nila. Naroon ang Tita Cynthia niya at ang pinsan na si Mark. Magkakaharap silang nakaupo sa sofa. Isang glass center table ang namagitan sa kanila. Si Mark ang nasa tabi niya. Magkatabi naman ang mag-asawa. Napansin niya ang makapal na dokumentong hawak ng tito niya. Inaasahan na niya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila. Bago nagsimula ay may kumatok sa pinto. Si Mark na ang tumayo at binuksan nito. “Kasama siya?” tanong niya nang makita niya si Jean. Tumango ang tito niya. “She must be aware at malaman niya kung ano ang mga nilalaman ng testamento ng mga magulang ninyo,” wika ni Marco. Prente namang naupo si Jean sa bakanteng single sofa. Bakas ang pananabik nitong marinig at

