"Hindi ko alam na invited ka pala?" nakasimangot na tanong ni Dennis ng makita si Railey na dumating. Agad na n'ya itong sinalubong sa parking lot para 'di na ito makapasok sa loob ng amusment park nila kung saan gagawin ang birthday party ng anak nila ni Aira. Nasa loob ang buong angkan ng Montenegro at Lagdameo, sinadyang ipinasarado muna ang boung amusement park para sa buong pamilya nila kasama ang ilang mga kamag-anak nila na kasama rin ang kanya-kanyang anak kaya naman napakarami pa rin bata sa loob. "Come on buds' be nice to others." ngiti ni Railey. "Walang nakakatuwa sa pag mumukha mo Dimagiba." tumawa naman si Railey. "Wag ka ng magalit sa akin, hindi ko pag-iinteresan ang soon to be wife mo, meron akong ibang target kaya sumama ako, ginagamit ko lang si Aira parang access pas

