"Ang gag* mo hindi counted yun, abnoy ka!" natatawang usal pa ni Aira. "Ang sakit naman pakitingnan nga nadala ata ang anit ko." yumuko pa ito para ipakita sa kanya ang ulo nitong napag sabunutan n'ya. "Hindi nga counted yun." "Paanong hindi counted na huli tayo dahil ang tabil ng bibig mo. Na halikan ka lang nag I love you ka na agad." naatatawang wika pa ni Dennis. Malakas naman natawa si Aira ng maalala ang eksenang yun. Nag lalaro sila noon kabataan pa nila ng taguan ang mahuli taya. Nag tutulakan pa sila noon ni Dennis dahil nag kataon na iisang ang lugar na pinag taguan nila sa ilalim ng cabinet ng lababo. Masikip nun at dahil malaki si Dennis aksidenteng nahalikan s'ya nito sa pisngi ito naman s'yang loka na alala ang sinabi ng Mama n'ya nahuli kasi nila itong nag kikiss at ng P

