Kanina pa pasilip-silip si Aira kay Dennis na mula pa kanina pag-uwi nila hindi na s'ya kinikibo o kinaka-usap. Hindi rin ito kumain ng hapunan. Nakatutuok lang ito sa harapan ng laptop nito, saglit lang itong nakipag laro kay Abby kanina ng umiyak na si Abby at inaantok na basta na lang nitong iniwan sa kanya at tumalikod na at nag tungo sa banyo. Narinig n'ya na naligo na ito at pag labas nito naka puting sando na lang at boxer na madalas nitong suot kapag matutulog na. Pinatulog na muna n'ya si Abby bago s'ya na ligo na din at nahiga na pag katapos. Kanina pa n'ya iniintay na mahiga na din si Dennis pero parang wala pa itong balak matulog. 'Na iilang na tuloy s'yang sabihin rito na gusto sana n'yang mag trabaho sa sa company ng Kuya Gab n'ya gaya ng gusto ng parents n'ya. Wag daw n'ya

