Hay!.. Saan ba? wala naman akong ibang lugar na matandaan. Inis na bulong ni Aira habang buhat ang anak habang isinasayaw. Simula ng s'ya ang mag alaga ng anak n'ya, lagi na lang itong nag papabuhat basta matutulog. Gusto laging nakadikit sa kanya wala naman s'yang magawa at hindi titigil sa pag-iyak hanggat 'di na susunod ang gusto. Buti na lang talaga false alarm lang ang pag ka delay ng period n'ya kung nag kataon baka kalbuhin na s'ya ng Papa n'ya. Sa isang bata pa lang na hihirapan na s'ya paano pa pag nag dalawa na, bagamat s'ya ang tumayong ina kila Shine at Summer meron naman dalawang yaya ang laging naka bantay sa kambal. Kaya 'di rin naman s'ya ang nag-alaga sa dalawa. "Tulog na yan, ibaba mo na sa crib. Si Summer patahanin mo hindi namin mapatahan kanina pa umiyak ng umiyak." u

