"Elle?" Napangiti naman ako sa napakagandang babae na sobrang astig niya tingnan. "Ate Ville!" Patalon-talon pa ako sa sobrang tuwa. Sampong taong gulang ako ng dinala ako dito sa isang underground para mag-ensayo. "Kamusta ka na?" Nakangising tanong ni Ate Ville. "Okay lang po. Lagi po ako may sugat," pagsusumbong ko rito. Mahina naman itong napatawa. "Di ba gusto mo maging katulad namin? Then kailangan mo tiisin." "Kailan po ako uuwi?" Pakurap-kurap kong tiningnan ito. "Hanggang matapos ang training mo, Elle. Hanggang isang ganap na magaling na assassin ka na," seryosong saad niya. Napangiti naman ako. I dream of being like them. Kahit ayaw ni Mommy, wala pa rin ito nagawa sa katigasan ng ulo ko. Pumayag si Daddy na mag-ensayo ako dahil gusto niya matuto ako sa self defense at

