SILANG DALAWA lang ang sumakay sa elevator paakyat sa floor kung nasaan ang hotel suite ni Sasha. Pagkasara pa lang ng pinto napasinghap na siya nang biglang humarap sa kaniya si James, lumapat ang malalaking mga kamay sa magkabilang side ng baywang niya at isinandal siya sa malamig na pader. Yumuko ito at akmang hahalikan siya pero maagap na inilapat niya ang mga palad sa dibdib nito. “May cctv camera. I-I can’t be seen in a compromising situation.” Akala ni Sasha tataasan siya ng kilay ni James, magtatanong kung bakit, o kaya tatawanan, o kaya hindi pakikinggan at ipipilit pa rin ang balak gawin. Kaya nagulat siya nang ni hindi kumurap na hinila siya nito papunta sa kabilang side ng elevator. Bukod sa blind spot iyon ng camera ay nakaharang din ang malaki nitong katawan kaya kahit ref

