“HUWAG MONG tangkaing sirain ang dress ko. Wala akong planong umalis mamaya na sira-sira ang suot ko,” gigil na banta ni Sasha nang sa wakas maputol ang halik at hawakan ni James ang magkabilang sleeve ng damit niya. Umismid ang lalaki. “You should burn this dress. It doesn’t look good on you.” Hinila nito pahubad sa kaniya ang bestida hanggang bumagsak iyon sa sahig. Wala ring kahirap-hirap na natanggal nito ang pagkakahook ng bra niya pero hindi iyon tuluyang inalis mula sa katawan niya. Sa halip napasinghap si Sasha nang hawakan nito ang magkabilang hita niya at bigla siyang binuhat. Napakapit siya sa magkabilang braso nito at ipapaikot pa lang sana ang mga binti sa baywang nito nang bigla siya nitong ihagis papunta sa kama. Napatili si Sasha nang bumagsak siya pahiga roon at ilang be

