HINDI nagkaroon ng pagkakataon si Sasha na gumanti ng halik kasi mabilis nang binawi ni James ang mga labi. Nagtatakang napatitig siya sa mukha nito. May panlalamig siyang naramdaman nang mapansing wala na ang init ng pagnanasa sa mga mata nito. His eyes are now cold and cruel as his hands held her neck tighter, almost choking her. “Let me get this straight. I hate you.” Mahina pero mabigat ang bawat bagsak ng mga salita nang sabihin iyon ni James. Nanuyo ang lalamunan ni Sasha kasi naramdaman niyang totoo iyon. Nakikita niya iyon sa mga mata nito. Hindi iyong tipo ng hate na katulad ng nararamdaman niya para rito. Mas malalim. At natatakot siyang malaman kung bakit. Nang gumuhit ang nakakakilabot na ngiti sa mga labi nito narealize niyang sasabihin nito ang ayaw niya marinig. “Nang m

