ILANG MINUTONG tahimik lang na kumain sina Sasha at James. Surprisingly it was a comfortable silence. Paubos na ang pagkain nila nang basahin ng binata ang katahimikan. “Ganito pala ang pakiramdam.” Napatingin siya sa guwapong mukha nito. “Pakiramdam ng ano?” Nagkibit balikat si James at tumingin din sa kaniya. “Na may kasabay kumain sa sarili kong kusina. Iba ang pakiramdam kapag mag-isa lang akong kumakain ng take out food kaysa ngayon. Mas okay pala na may kasabay.” Natigilan si Sasha at napatitig lang sa mukha nito. Nang tipid na umangat ang gilid ng mga labi nito ay parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Tumikhim siya at pilit gumanti ng kaswal na ngiti. “Bakit hindi mo imbitahan ang kapatid mo kahit twice a week para sabay kayo kumain? O kaya ikaw ang pumunta sa p

