When all the chaos die down, your heart will tell you what to do. “Puwede bang bukas ka na lang pumunta ng New York? Ihahatid kita,” suhestiyon ni Liam kay Gladys. Sinundan niya ito sa airport nang matanggap ang mensahe nito. Tatawagan na sana niya ito dahil kailangan niya ng makakausap. Nakalimutan niyang scheduled flight na pala nito papunta sa ibang bansa. They are seated in his office lounge. Naka-check in na ito at naghihintay na lang ng departure. “Okay ka lang? Natauhan na ba si Laiza at iniwan ka?” natatawa nitong balik-tanong sa halip na sagutin ang tanong niya. As much as he wants to laugh at her joke. He can’t. He inhaled deeply. Sumeryoso naman ang kaharap nang makita ang reaksyon niya. “Sumama na lang kaya ako sa ‘yo ngayon?” sambit niya. He closed his eyes. Naalala

