ALAS-TRES pa lang pala ng madaling araw nang magising ako. Akala ko, totoo ang lahat ng iyon. Hindi nga mawala sa isip ko ang mga nangyari sa panaginip ko at hindi na rin ako nakatulog dahil doon. Hindi iyon mawala sa isip ko. Sinasabayan pa iyon ng malakas na kabog ng dibdib ko. Lutang na lutang nga ang isip ko nang araw na ito. Hindi talaga matanggal sa isip ko ang panaginip na iyon. Mabuti na lang talaga at marami nang busy para sa paghahanda sa Intrams. Kahit kulitin nga ako nina Lebron ay parang wala lang sa akin. Kung ano-ano na nga ang kanilang pinagsasabi pero hindi ko iyon pinapansin. Nagtataka nga ako dahil lahat yata ng ginagawa ko ay parang wala lang sa akin. Ewan ko nga ba, wala talaga ako sa tamang pagiisip ngayon. Habang naglalakad kami sa campus nina Lebron ay bigla nami

