Chapter 16

2820 คำ
Sally Tatlong buwan na ang nakakaraan. Malapit na kaming gumarduate sampung araw nalang makakakuha na kami ng diploma. "Bye Senior High, Hello College!" nag dedaydream na sabi ni Kelly. "Excited much oh!" komento ni Bonita at tumawa. "Op cors besh. More time to party na tayo!" nakangisi niyang sabi. Natawa nalang din ako. "Sall, are you okay you look pale?" napatingin ako kay Bonita. Umiling ako. Hindi nga eh. Ilang araw na ito. "Okay lang. Masakit lang ulo ko" sabi ko. "Uminom ka na ng gamot?" tanong ni Gio. "Oo" ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Dumating si Sebi na may dalang burger. Binuksan niya ang burger at hinawi pa ang bread nito napatitig ako sa patty at parang nasusuka ako sa itsura noon. Tinikom ko ang bibig ko nilunok ko ang laway. "ummp" "Sally okay ka lang?" tanong nila sa akin. Bago pa ako makapagsalita tumayo na agad ako at nag thumbs up. Tumakbo ako sa cr at sumuka pero laway ko lang ang lumalabas. "Ummppp" Napatingin sa akin yung babae na lumabas ng cr napangiwi pa siya. Nag mugmog ako ng tubig. Hindi yata maganda itong pakiramdam ko. Nanghihina akong lumabas ng cr. Hinihintay ako ni Gio. "Ilang araw ka ng ganyan ah. Okay ka lang ba?" tanong nito. Napangiti ako concern talaga siya bago pa ako makapagsalita nanlabo na ang paningin ko at nahilo. Nagising nalang ako nasa loob na ako ng Clinic. "Wag ka munang tumayo!" pigil sa akin ni Gio. Tinignan ko kung may kasama siya pero siya lang naman. "Gio baka may pasok na tayo" saad ko. "Sinabi ko na may lagnat ka kaya excuse na yun." aniya. "P-pero paano ka? Makakaabsent ka."saad ko. "Okay lang. Ngayon lang naman tsaka ilang araw nalang ga-graduate na tayo." Naging tahimik na si Gio kaya ako naman ang nagsalita. "Okay na ako dito G, balik ka na!" nakangiti kong sabi. Umiling iling siya. "Sall" lumapit siya sa akin at umupo sa maliit na space sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Buntis ka" saad niya. Natikom ko ang bibig ko. Buntis? Ako? Inalala ko mag tatatlong buwan na akong hindi pa dinadatnan. f**k bakit ko nga yun nakalimutan. Tumulo ang luha sa mata ko. Sinamahan ako ni Gio ng araw na iyon. Nagbihis kami para magmukha kaming mature. Siya ang bumili ng pregnancy test ko sa pharmacy. Naghihintay lang ako sa loob ng kotse niya. Hindi ko mapigilang maiyak ulit. Humikbi nalang ako ng pabalik siya. Bumili siya ng tatlong pt pumunta kami sa park. Doon ko ginawa ang proseso. Naghihitay lang si Gio sa labas pagkatapos ko lumabas ako at pinuntahan siya. Nakatingin lang ako sa kanya at umiiyak. Nasa kanya ang pt dahil hindi ko alam kung kakayanin kong makita ang resulta. Tumikhim siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. He sighed. I cried again. Kinuha ko ang pt sa kanya. There's two lines. I'm pregnant. Niyakap ako ni Gio. "Shh. Sall, eveything's going to be okay!" bulong niya "Walang alam ang dad ko G, he doesn't even know that I had a relationship with Caleb." I don't know what to do now. Tahimik lang ako. Pagtingin ko sa labas nasa ospital na kami. "Gio" Tawag ko sa kanya. "You need advices Sall. Vitamins mo tsaka mga gagawin mo para sa bata. Andito lang ako sasamahan kita" magkahawak kamay kaming pumasok sa ospital. Napatingin pa sa amin ang ibang magpapacheck-up. Umupo ako sa tabi ng babaeng malaki na ang tiyan. "Ang bata niyo pang tignan. Bagong kasal ba kayo?" tanong niya. Huminga ko. "Oo" si Gio. Napatingin ako sa kanya piniga niya ang kamay naming nakapagsiklop. "Smile" he mumbled. Naiiyak ako pero pinigilan ko kaya ngumiti ako sa kanya. "Ilang buwan na yan?" tanong ko sa babaeng katabi ko. Ngumiti siya sa akin. "7 months and 3 weeks na" nakangiti niyang sabi. Mukhang excited pa siyang maging ina ah. May dumating na lalaki at hinagkan siya nun. "Sorry baby na late ako. Natagalan kasi sa meeting" Nakagat ko ang labi ko. Caleb used to call me that also. I miss him even more. Pinapasok na sila sa room. Nakatingin lang ako doon. I felt nervous and and my feelings is in mixed emotions. "Gutom ka ba?" tanong niya. "No. I'm good. Ikaw baka gutom ka?" tanong ko. "Ako pa nga yung mas maraming kinain kesa sayo" nakangisi niyang sabi. Lumabas sa loob ng clinic yung dalawa nagbabye pa sa akin yung babae. Tumayo kami ni Gio. Kinakabahan ako. "Sall, calm down. I'm here hindi kita iiwan" hinalikan niya ako sa noo bago kami pumasok sa loob. "Hi Good Afternoon. Ngayon pa ba ang first check up mo?" tanong sa akin ng babaeng doctor. "Opo" sagot ko. "I see. Sige lipat tayo dito." aniya Pinahiga niya ako at pinataas ang damit ko. May nilagay siyang malamig sa tiyan ko. Pinatingin niya kami sa monitor. Hawak hawak ko parin ang kamay ni Gio. "Nasa 3 months ka palang misis. Pinaikot niya ang hawak niya. You see that" may tinuro siya sa monitor. "That's your baby's heart beat. Mukhang alaga mo naman siya." nakangiti niyang sabi. Niresetahan niya ako ng vitamins at gata na iinumin ko araw-araw. Mahigpit pa niyang binilin ang vitamins ko na dapat hindi ko makalimutang inumin. "Babalik kayo dito, next month kasi on the fourth month ng pagbubuntis ni Misis dapat twice a month na ang check-up. Basta wag mo lang kalimutang inumin ang niriseta ko. Mister." baling niya kay Gio. "Kayo po ang magpapaalala sa kanya. Minsan kasi ang buntis nakakalimutan inumin ang binilin sa kanila dahil sa cravings" nakangiti niyang sabi. Tumango tango naman si Gio. "Salamat, Doc" sabay naming sabi. Binili namin ni Gio ang lahat ng vitamins. Nagkulang pa nga ang pera kong dala pinahiram niya pa ako para mabili ko ang gatas. "Kain tayo!" nakangisi niyang sabi. "Okay lang G, sa bahay nalang ako. Salamat talaga" nakangiti kung sabi. "Sige na Sall. Ngayon lang sa labas na tayo mag dinner" giit niya. "Sige na nga dami ko ng utang sayo!" saad ko. Pumunta kami sa restaurant. Gusto kong kumain ng crispy pata. Natatakam talaga ako. "Anong gusto mo?" tanong niya ng lumapit ang waiter. "Gusto ko ng crispy pata tsaka sinigang na karne." nahihiya kung sabi. "Okay" nakangiti niyang sabi. Sinabi niya sa waiter ang order namin nag add pa siya ng fourseason juice. "Teka dito ka lang, may bibilhin lang ako" aniya. Sinundan ko siya ng tingin. Naiwan akong mag-isa. I couldn't imagine na may buhay na tao sa loob ko. Gusto ako ni Gio that's why he's doing this to me. Wala man lang akong magawa para mabayaran siya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Bumalik siya na may dalang plastic. Tinaas niya iyon. Malawak ang ngiti ko. Rockyroad ice cream. Binigay niya iyon sa akin. "Gio salamat" masaya kung sabi. Nilantakan ko agad iyon. Kain ako ng kain habang nag-aantay sa inorder namin. "Gusto mo?" tanong ko kay Gio. Tumawa siya at umiling. "Kulang pa ata yan sayo" sagot niya Dumating ang inorder naman. Tinabi ko muna ang Ice cream at kumain. "O dahan dahan lang.." natatawang sabi ni Gio. Busog na busog ako ng lumabas kami sa restaurant. "Ang laki na ng utang ko sayo!" sabi ko. "Hindi naman ako nagpapabayad!" aniya at tumawa. Ang liit talaga ng kaligayan niya. Inuwi niya ako sa bahay at nagsimula na naman akong kabahan. Hinatid niya ako sa bahay at tinulungan pa akong iakyat sa taas ang mga dala namin. "Kain ka ng maraming prutas ha!" paalala niya. Tumango ako. "Alis na ako" saad niya. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you!" mahina kong sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit. "You should rest. Kapag kaya mo na sabihin mo sa daddy mo kung hindi sasamahan kitang magsabi" "Salamat ulit" sabi ko at humiwalay sa kanya. Tumango siya at lumabas. Huminga ako ng malalim. Nainom ko na agad ang vitamins ko pagkatapos kung kumain. Dapat puro healthy ang kainin ko simula ngayon at aalagaan ko ang sarili ko. Umiyak ako hindi ko alam kung bakit. Okay naman na ako pero sabi ni Doc normal daw sa buntis ang emotional pero para sa akin hindi. Namimiss ko na si Caleb miss na miss ko na siya wala akong balita sa kanya. Blinocked ko siya sa f*******: at messenger kailangannko pa siyang iadd ulit oag inanblocked ko siya. Naiisip ko si Dad. How would he react? Sasampalin din niya ba ako at sasaktan bago palayasin sa bahay? Katulad sa nga pelikula. Kakamuhian niya ako at kakalimutan niyang anak. This might be a disgrace to him.. Ang kaisa isa niyang anak ay naagang nabuntis at walang asawa. I cried the whole night. Hindk ko alam na nakatulog pala ako. Nagising ako at nakareceived nalang ako ng text na hindi na kailangan kaming mag report this week. Next week nalang daw para sa graduation practice. Bumaba ako at andun si Daddy. I want to tell him now kesa paabutin ko pa itong tiyan ko hanggang sa lumaki. Tulo na ng tulo ang luha ko. "Dad can I talk to you?" I asked him. "Sige maupo ka na at kumain muna." nakangiti niyang sabi. Kumain ako pero hindi masyadong marami. Sinundan ko si Dad sa sala. Muling tumulo ang luha sa mata. "What's wrong baby?" he asked worriedly. "Dad, I'm sorry" umiyak na ako. I can't help it anymore "For what? Srop crying baby." inalo niya ako. Umatras ako sa kanya. "Dad, patawarin niyo ako. I'm sorry dad." "Ano bang ginawa mo?" malumanay niyang sabi. Humikbi ako. "Dad.... I'm pregnant" I cried lumuhod ako sa harap niya. "I'm sorry dad. I'm very sorry" gusto kong ilabas lahat ng sakit at takot ko. Hinihintay kung saktan niya ako at murahin pero ang mabilis na paghinga lang niya ang naririnig ko. Inangat ko ang ulo habang umiiyak tinulongan ako ni Dad at tinayo. Niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry dad" garalgal na ang boses ko. "Hush baby. Daddy is here!" Dad accepts me after what happened earlier yan lang ang masasabi ko. Umalis siya at uuwi daw siya ng maaga para makapag-usap kami ng matagal. Tinawagan pa ako ni Gio kung nainom ko ng ang vitamins at gatas ko. Napangiti nalang ako dahil ang kulit. Wala akong masyadong ginawa maghapon. Na bored ako kaya nagbake akonng brownies. Alam na nila Nanay Laring at Manong Fred ang kalagayan ko nag-aalala pa si Nanay dahil dapat daw ipaalam ito kay Caleb pero ayuko. Nilantakan ko ang brownies na ginawa ko kasama ang gatas. Natutuwa si Nanay Laring sa akin sabi niya pa madadagdagan kami sa bahay at may pagkakatuwaan sila. Nung gumabi na dumating si Daddy. Inabangan ko siya niyakap niya ako ng mahigpit. Sabay kamong kumain sa hapag kasama si Nanay Laring at Manong Fred. "Si Caleb ba ang ama?" kalmadong tanong ni Dad. Tumango ako. Napapikit siya. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "Noon pa man napapansin ko na-- na may namamagitan sa inyo. Hindi ako tutol sa kanya anak. Mabait at kilala ko na si Caleb ang kalagayan mo ngayon ay dapat malaman niya" Hunikbi ako. "Dad, wag na po. Naghiwalay kami dahil sa akin din. I want him to take the opportunity. Magiging exchange student siya sa ibang bansa at maaring doon na siya makapagtapos. I don't want to hold him dad. Tinago niya iyon sa akin dahil ayaw niyang iwan ako. Bata pa kami dad, we could do something more. Maliban nalang sa akin, I have limitations now. " "Baby, alam kong may pagkukulang din ako hindi kita nabantayan at nabigyan ng atensyon na siguro ay binibigay niya sa iyo. Pero hayaan mong malaman ni Caleb---- "Dad" tumulo ng luha ko. "You're a perfect dad for me. Wag niyo pong isipin iyan. May kasalanan ako hindi lang si Caleb. But I want to ask a favor from you dad. " Hinintay niyang magsalita ako. "Wag niyo pong ipaalam sa kanya lalo na sa pamilya niya" saad ko.. "Baby, mali iyan. Matagal na kaming magkaibigan ng papa ni Caleb." "Dad please" I beg. "Why?" Umiling lang ako. "Not now dad. Please!" He asked what really happened to us. Kwinento ko kay Dad ang lahat. Ayokong masira ang kinabukasan ni Caleb his mom is right marami pang nakaabang na maganda para kay Caleb. He could be a great doctor.. Pailing iling si Dad. I'm glad na nirerespeto niya ang desisyon ko. I'll tell Caleb naman but not now. Nagsisimula palang siya sa bago niyang buhay. I went to my room after I talked to dad. Si Nanay Laring ang nagtitimpla ng gatas ko bago ako matulog. It's my appointment for check up. 5months na ang baby sa tiyan ko. Gio is always with me ayoko ding abalahin si Dad kaya humingi ako ng pabor kay Gio na magpasama sa kanya ngayon. "Next month balik kayo dito. We could determine the baby's s*x" saad ng doctor. Ngumiti ako sa kanya. "I will give you another vitamins. Tsaka ang gatas mo dadagdagan natin. Mister paalala niyo ulit sa Misis mo. Hiyang na hiyang ka panaman" Napangiti ako sa sinabi niya. Lumabas kami ni Gio sa clinic. "Buntis ka pero ang blooming mo. Anong sekreto?" tumatawang tanong sa akin ni Gio. "Loko ka talaga" sabi kong nakangiti. "Pero totoo Sall ha. Ang blooming talaga. Lalaki ba yang anak mo? Kasi sabi sa akin ni Dad nung nagbuntis daw sa akin si Mommy ang ganda daw lalo ng mommy ko pero nung sa sumunod na ang haggard daw ni mommy" natatawang sabi ni Gio. "Baka. Pero ayokong umasa baka babae ito" sabi ko. Dinala nanaman ako ni Gio sa isang restaurant dinagdagan pa niya ang prutas ko at gulay maging meat. "So anong course ang kukunin mo?" tanong ko. "Engineering. Balak ko kasing mag take over din sa company" nakangiting sabi ni Gio. "Nice. Bagay sayo. Engr. Gio Kenny Cordero" bigkas ko. "Ikaw pagkatapos mong manganak. Babalik ka sa pag-aaral?" tanong niya sa akin. "Oo. Pero titigil ako ng isang taon para mabatayan ko si Baby. Plano kong kunin business nalang para sa company nalang ni dad ako mag work. Tapos plano ko talagang magkaroon ng bakeshop." lintaya ko. "That's good. Ako na ang unang customer mo!" kumindat pa siya sa akin. Masaya kaming nag-usap ni Gio ng kung anu-ano. "Buti hindi ka masyadong nagcracravings ng kung anu-ano?" "Hindi yata mapili ang baby. Kasi kapag naglilihi ako nasa bahay na ang gusto ko kakainin ko nalang.. Pasalamat nga ako at hindi ito maarte" sabi ko at ngumiti. Ang laki na ng utang ko kay Gio.. Pinanganak ko ang bata. Daddy was with me in the operating room kahit nung naglalabor ako hindi siya umalis sa tabi ko. Si Nanay Laring nalang ang nagpapakalma sa kanya dahil naging oa si dad at worried sa akin. Exactly 9:50pm pinanganak ko ang healthy baby.. He was almost 6pounds. Ang bigat niya talaga sa tiyan ko. Nakatulog daw ako after ipanganak si Baby kaya paggising ko nandun na kahat ng mga kaibigan ko nakangiti sa akin. Sabi nila ang cute at gwapo daw may pinagmanahan. I named the baby Anwyll Dewey Enriquez. Anwyll dahil ibig daw sabihin nun (will be love by all) yung Dewey naman (beloved) kung pagsasamahin siya 'My beloved is love by all' "Masakit ba Sall?" tanong sa akin ni Bonita. Ngumiti ako. "Oo. Pero they are right kapag narinig mo ang iyak ng baby you'll feel different parang sa isang iglap nawala agad ang sakit." wika ko. "I can't believe it up until now ang bigat ng baby sa tiyan mo tapos parang okay ka lang." humagikgik si Kelly. "Mararanasan niyo din yan!" sabi ko. May Kumatok at pumasok ang nurse kasama si Daddy. Si Gio naman ay nakatingin sa akin at lumapit. Binigay sa akin ang baby. Parang hindi siya fragile sa pangingin ko healthy nga siya. Nakangiti akong tumitig sa kanya. Baby you're so beautiful. Pinalabas ko muna sila dahil e bre-breast feed ko si Anwyll. Nahihiya pa kasi ako ngayon. He got Caleb's eyes and nose hindi mapagkakailang anak niya ito. I got his form of eyebrows pero alam kong mas kakapal pa iyon yung mukha niya parang kinombine namin. Mahigit 9 months ko ng hindi nakikita si Caleb maliban sa litrato niya sa phone ko pero ang galing lang dahil may kanya kanya kaming parte dalawa sa genes ni Baby Anwyll. Inuwi namin si Baby sa bahay makatapos ng dalawang araw ko doon. Kapag may oras si Gio pupuntahan niya kami at dadalawin napagkakamalan siya tuloy na tatay. Yakap yakap ko si Baby habang tulog na tulog siya sa bisig ko. "I hope you'll be a good and obedient son baby. Wag mo kong papahirapan ah." bulong ko. Yes, I stopped from studying this year pero pangako babalik ako next year. Tatapusin ko ang pag-aaral ko, I'll be the happy working mom in the world. Napangisi nalang ako kung anu-ano kasi naiisip ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม