NAPAGOD ang kaniyang isipan sa pag-iisip kaya napahiga na lamang siya sa sahig. Hindi niya alintana ang lamig dahil nga sa kinalakihan niya na ang humiga sa malamig na lupa. Pinikit niya ang kaniyang mga mata habang inaalala ang kaniyang mga magulang. Minsan pa'y naitanong niya sa kaniyang sarili kung tama nga bang nabuhay pa siya. Gusto niya na lamang samahan ang mga ito sa kabilang buhay. Ngunit dahil nga sa hiling na kaniyang ina mukhang matatagalan pa siya sa mundong ibabaw. Mas maganda nga sana kung matapos na rin ang kaniyang buhay. Naputol lang ang kaniyang pag-iisip nang makarinig siya ng paggalaw ng mga bato sa pader. Naimulat niya na lamang ang kaniyang mga mata't pinakatitigan ang malayong pader kung saan nagmumula ang ingay. Naaninag naman niya ang paglitaw ng dalawang pares

