KINAKABUSAN kahit maaga pa lang nagbungkal na siya ng lupa gamit ang piko sa halamanan. Sumisilip ang araw sa likuran ng bundok sa gawi niyang likuran. Naisip niyang magtrabaho bilang kapalit sa pagpapatuloy ng mandirigmang si Mitos sa bahay nito. Nasanay na rin naman ang kaniyang katawan sa kahit anong trabaho kaya hindi problema sa kaniya ang pagtatanim. Kahit ang sinabi nitong maari niyang ibenta ang mga maitatanim niya'y hindi niya pa rin naman magagawang angkinin ang lahat ng kikitain kung sakaling naroon pa nga siya kapag panahon na ng anihan. Nilakasan niya ang paghampas sa piko nang mabungkal niya nang maayo ang kinatatapakang lupa. Sa kaniyang noo'y namalamisbis ang buti ng pawis kahit na malamig ang umaga. Huminto lamang siya sa paghampas ng piko nang lumapit sa kaniya ang dalag

