David's POV Marami na akong alam tungkol kay Aryen. Kwento kasi siya ng kwento sa tuwing nagcha-chat kami sa f*******:. Halos tatlong beses yata akong online sa isang linggo. Naging close kami lalo nong nagkaroon na siya ng cellphone. Hindi lang kami chatmate, textmate rin. Yon nga lang, hanggang dun lang kami. Sa personal kasi napapansin kong iniiwasan niya akong makausap. Tinanong ko siya kung bakit. Gwapo ka. Maganda ako. Pag nagkataon na makita tayong nag-uusap palagi, o magkasama, hindi maiiwasan na malagyan ng malisya. At ayoko ng ganun. Eh di wow. Prangka din siya kung minsan. Agree din naman ako sa kanya. Wala namang pangit na ginawa si Lord, magkaiba lang talaga ng level in terms of physical attributes. Kaya lang, may pagka negative lang ang thinking ni Aryen. Stereotype masyad

