David's POV Magkaiba kami ng cell group ni Aryen kaya naman bihira ko lang siyang makita. Yong day na nag-usap kami, yon na rin pala ang last. Hindi na kasi pumupunta si ate Clarice sa practice time namin sa music team. Kaya naman wala ng rason si Aryen na pumunta din. Madalas na lang kung magsama sina ni kuya Grey at ate Clarice. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagkakalabuan sila dahil hindi naman naging sila. Torpe type din kasi tong si kuya Grey. Hindi naman sa hinahanap ko ang presensya ni Aryen. Pero siya kasi ang tipo ng babae na hindi mo maiiwasang hanapin, kakaiba kasi siya kung manamit. Every Sunday, habang nakasuot ng palda at magagandang damit ang karamihan sa kababaihan, si Aryen naman ay laging naka-pants, naka long sleeves, at running shoe

