David's POV "Is David here?" Narinig kong tanong ni ate Clarice ng bumungad siya sa may pintuan ng aming music studio. Dalawang taon na rin ang lumipas mula ng maghiwalay kami ni Shey. Tatlong albums na rin ang naipalabas namin under the same band: Beloved. Oo. Dalawang taon ko ng hindi nakikita o nakakausap si Aryen. Halos dalawang taon ko na ring nililigawan ang tiwala ni ate Clarice. Hanggang ngayon, nasa 80% pa ang trust level niya sa'kin. Every month umi-increase ng at least 5% in maximum. Grabe. Calculated talaga. Big deal masyado ang salitang TRUST kay ate Clarice. Sabihin na nating yan ang major weakness niya. Naiintindihan ko naman kasi lahat tayo ay may sariling weaknesses. Di ko lang lubos maisip na ang hirap palang kunin ng pagtitiwala ni ate Clarice. Like, dude, law stude

