“JC?” tawag ko sa binata pagmulat ng mga mata ko at makitang wala siya sa aking tabi. Napangiti ako nang makita ang isang tangkay ng rosas sa ibabaw ng side table at may nakaipit pang maliit na note. Binasa ko ang nakasulat do’n at gayon na lamang ang kilig na naramdaman ko. Hi, Babe! I love you! *hugs & kiss! Love, JC Kinuha ko ang tangkay ng rosas at saka dinala sa tapat ng ilong ko upang langhapin ang mabangong amoy niyon. Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama ng ‘di naaalis ang ngiti sa’king labi. Hindi ko na inalintana pa ang hubad kong katawan basta naglakad na lamang ako diretso sa loob ng banyo. Nanlalagkit ang pakiramdam ko at daig ko pa ang magkakasakit dulot ng matinding pangangalay sa pagitan ng mga hita ko. Nilagay ko ang tangkay ng rosas sa isang plastic cup na nak

