Kahit makalaglag panty ang ngiti sa’kin ni CJ ay ‘di ako nagpadala sa dalang panunukso niyon. ‘Di ko tinanggap ang trabahong iniaalok sa’kin ng eskwelahang ito sapagkat hindi ko maaatim na maging amo si Carlo Villaforte. In his wildest dream! Matapos kong lapatan ng lunas ang duguang braso ng bata agad na rin akong nagpaalam kina Gng. Lucia at CJ. Mahirap na, baka matuluyan akong madala nang mapanuksong ngiti ni CJ pati na ng kaniyang nangungusap na mga mata. Gustuhin ko mang magpaudyok sa ibinubulong ng aking damdamin, ‘di ko lang talaga kayang tanggapin ang trabaho lalo pa’t mga tiyanak este bata pala ang makakasama ko. Daig ko pa ang nagka-phobia sa kanila noong huling beses na na-experience kong magturo. Actually hindi nga ako nakapagturo no’n dahil instant yaya lang naman ang

