Biling baligtad ako sa ibabaw ng malambot na kutson at hindi makatulog dahil sa kaiisip kay JC. Naiisip ko ang ginawa kong kalokohan sa kaniya. Baka bigla na lamang akong iwanan niyon o ‘di kaya’y itulak na lang mula sa itaas ng himpapawid dahil sa sobrang inis sa’kin. Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ko at saka tumayo mula sa ibabaw ng kama upang puntahan si JC sa katapat na silid. Pupuntahan ko na lamang siya upang humingi ng paumanhin dahil sa inasal kong hindi maganda sa kaniya. “JC...” bulalas ko nang pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay bumungad na siya sa akin. Gulo-gulo ang kaniyang buhok na animo'y nakipag-away lamang sa may kanto at langhap ko ang amoy ng alak sa kaniyang hininga. “Anong nangyari sa’yo?” may pag-aalalang tanong ko sa kaniya. Nilapitan ko siya

