Chapter 6 - Annchen

1704 คำ
"I want to go to that bar again next week," mahinang wika niya sa mga kaibigan pagpasok nila sa school. "I told you, a guy had been asking you after you left that night. Are you not afraid of your safety?" Alam ng mga kaibigan niya kung gaano sila kayaman. Hindi na rin sikreto sa mga tao sa kanila ang alitan sa pagitan ng mga Valentino at Rossini, bagama't hindi nila napag-uusapan na magkakaibigan. Hangga't maaari ay gusto rin naman niyang panatilihing tahimik at pribado ang buhay niya. Pero sa pagkakaalam niya'y nagkakabanggaan ulit ang dalawag angkan ngayon dahil sa kompetisyon sa negosyo. Hindi malinaw sa kanya ang mga detalye dahil hindi pa naman siya pinapayagan ng Papa niya na sumali sa mga usapin patungkol doon. Ang naririnig lang niya ay mga pahapyaw na kwento ni Orlando at Ayah. "I have my own bodyguard. They can't harm me." "Why don't we go to another bar instead?" suhestyon ni Luisa. "Something not so popular. Or we can just go to a private place where we could still joy drinking wine and each other's company." "That's a good idea! Just hire a private place near the beach so we could enjoy the water too!" sang-ayon naman ni Becca. "I would bring my newest swimsuit." Pero tutol ang dibdib niya. Ang dahilan kaya niya gustong magpunta sa bar na iyon ay dahil sa lalaking nakabungguan niya sa fire exit. Baka sakaling makadaupang palad ulit niya. Gusto niyang malaman kung saan siya dadalhin ng atraksyong naramdaman niya sa lalaking iyon. "I can't stay overnight, you know that. I could only stay for an hour or two." "Maybe, we can ask your father to allow you to go since it's a private place anyway," katwiran ni Luisa. "Okay..." kibitbalikat niyang wika. Natapos ang klase niya ng alas dos ng hapon. Nasa paligid lang niya ang bodyguard na si Ermis kasama ng dalawa pa. Sina Becca at Luisa ay nagkayayaan pang pumunta sa mall habang si Alice ay walang balak sumama. Naghihintay pa lang ito ng sundo kaya't hindi pa lumalabas sa campus. "Can I ask you something?" tanong nito nang hindi pa siya tumatayo mula sa pagkakaupo sa bench. "Uhmmm. What is it?" "Who do you think is that man asking for you? He seems nice though. But it is still a puzzle why he wants to know about you." "I have no idea. What does he look like? What did he ask you?" "He just asked why you weren't with us that night. And when Luisa told that man that you just left, his eyes wondered where you are. He left and maybe searched for you. I'm glad you walked so fast that he didn't catched you on your way out. For a moment, you got us worried." "That man might be a paparazzi. Papa and Mama got questioned by a lot of reporters about me that they refused to answer. Just ignore anyone who would ask again and tell them to go to hell," pabiro niyang wika. Ngumiti lang si Alice. "That man knew we are your friends." "So?" "If he knew that we are your friends, that means he already know you. You have to be careful that man might be stalking you already." "I have my full bodyguards. Don't worry about me." "But the violence inside Lucca has becoming constant these days. Have you heard of three women abducted last week? Until now, their families haven't heard anything about them." "Really? Then, please take care of yourself too. I have bodyguards to protect me to be worried about them." "I know... That's why Luisa and Becca were hesitant to go back to the bar because it's not safe anymore. The only safe place to spend the night with the girls is to hire a private room or pool." "Yeah... I know..." mahina niyang sagot na nawalan ng pag-asa na makabungguan ulit ang misteryosong lalaki. "Ora dobbiamo andare, Signora, tuo padre sta aspettando." (We have to go now, Señora, your father is waiting.) Napilitan siyang tumayo nang lumapit si Ermis sa kanya. Nagpaalam na siya kay Alice saka lumakad patungo sa naghihintay na sasakyan. Nagulat siya nang pagsakay niya sa kotse ay may dalawa pang bodyguard na kasunod nila na nasa kabilang sasakyan naman. Pakiramdam tuloy niya'y nanganganib ang buhay niya ngayon. "Perché un'altra macchina ci segue?" (Why is another car following us?) tanong niya kay Ermis. "Più protezione. Era un ordine di tuo padre." (More protection. It was your father's order.) "Why? Is there a threat to my life?" "None, Señora," tipid nitong sagot. "Have you noticed any car following us before?" Hindi niya binanggit sa Papa niya ang lalaking nagtatanong sa kanya sa bar dahil mabibisto siyang tumakas siya noong isang gabi. Pero gusto niyang malaman kung may pagkakataong sinusundan nga siya ng kung sino mang lalaking 'yun. "There's a lot of vehicle on the road. If there's any threat about your safety, rest assured that we can protect you anytime." "But, what I am asking is if you notice one," pag-uulit niya. "No." Hindi na siya nagtanong pa ulit kay Ermis. Mukhang wala naman siyang makukuhang sagot dito. Kung mayroon man siyang nakukuhanan ng impormasyon, iyon ay ang kuya niyang si Orlando. Pupuntahan niya ito mamaya. Kahit ayaw niya sanang lumapit sa kapatid ay wala siyang ibang matatanungan. "Ayah, I'm home!" Kaagad sumalubong sa kanya ang ginang saka yumakap. "I'm glad you're home. I've made your favorite apple pie." "Wonderful! Where is Orlando, by the way?" "Orlando? Why are you looking for him?" "I'll just ask a few questions." "At ano ang itatanong mo?" Kapag nagsalita si Ayah sa wikang Filipino ay nangangahulugan lang na hindi nito gustong iparinig sa ibang katulong o nag-iikot na security personnel ng Papa niya ang pag-uusap nila. "Nandito ho ba si Papa?" "Lumabas kasama ng mga bodyguards niya. Si Orlando at Ricardo ay nasa likod kasama ng Mama mo." "Sige ho, magbibihis muna ako bago ako pupunta sa komedor." Tuloy-tuloy siya sa pag-akyat sa silid niya sa ikalawang palapag. Pagbaba niya ay kaagad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng Mama niya kasama ang dalawang kapatid. Pero bago siya makarating sa kinaroroonan ng mga ito ay nakarinig na siya ng pag-uusap na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. "Fernando non ha intenzione di ritirarsi in anticipo. Come posso convincerlo a nominarti il ​​prossimo presidente del gruppo di società FTG?" (Fernando has no plans of retiring early. How can I convince him to make you the next President of FTG Group of Companies?) Ang Mama niya ang nagsalitang iyon. Walang mga tauhan sa paligid sa likod na iyon ng mansyon nila kung saan madalas ding nagmi-meeting ang Papa niya at mga tauhan. O ng mga kapatid niyang lalaki. Ang FTG ay abbreviation ng Fernando The Great. Lolo niya ang nagbigay ng bagong pangalan sa kompanya nila na ipinangalan sa nag-iisang anak nito na si Fernando. At ang mga kompanyang sakop ng FTG ay casino at clubs sa iba't ibang dako ng Italya. "Caitlin Anne si rifiuterebbe definitivamente di sostituire la posizione di papà come prossimo leader di FTG, mamma. Inoltre, lei cosa sa? È una donna! Non sa nemmeno come usare la pistola!" (Caitlin Anne would definitely refuse to replace Papa's position as the next leader of FTG, Mama. Besides, what does she know? She's a woman! She doesn't even know how to use gun!") Si Orlando naman ang sumagot sa Mama nila. "What can I do?! He loves his only daughter so much that he plans to leave everything to Annchen." "No no no... We also dedicated our whole life for the company. I have been working for Papa since I was sixteen, porca miseria!" Tila hinampas pa ni Orlando ang mesa dahil sa malakas na pagkalabog na ikinagulat niya. "Relax, Orlando. Let me talk to Fernando again. I know I can still do something to change his mind." "You better do it as soon as possible. How come he hasn't transferred anything to you when you were married for twenty years? We don't know what's in his last will, do we? You are his wife!" "And I will always be. No woman could ever replace my position no matter how many years would gone by. I pity those women who were still waiting to be married to him. I will never divorce Fernando. Not now. And not anytime soon." "I don't think Papa is still thinking of another woman, Mama." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Ricardo na siyang mas tahimik kumpara kay Orlando. "Let alone divorcing you to marry another." "You will never know, Ricardo. Fernando is a good-looking old man. And his money speaks so enchanting." "Please do something about my position in the company, Mama," muling pakiusap ni Orlando sa ina. "I want to be the next President of FTG. I will make sure that Armano Rossini would be defeated as I want to conquer his territory." "That son of Garson is so good in handling their business." "But your son is better, Mama." "I know, Orlando. Fernando would surely be proud of you." Mabilis siyang umalis sa kinatatayuan nang marinig ang yabag papalapit. Lalong naguluhan ang isip niya sa mga narinig. At dahil nagmamadali siyang makalayo para hindi siya makita ng Mama niya ay bumangga siya sa lalaking makakasalubong sa pasilyo. Mabilis naman ang mga bisig nitong nahagip kaagad ang likod niya para hindi siya bumagsak sa sahig. "Miguel!" "Kanina ka pa hinahanap ni Ayah. Saan ka nanggaling?" mahina pero awtorisado nitong tanong. Tulad ng dati ay walang ngiti sa mga labi nito. Ang kilay ay kaunti na lang at magsasalubong na. Pero ngayon lang niya natitigan ang mga mata nitong mapang-akit. Ito pala ang nagdadala ng atraksyon kay Miguel sa mga babaeng katulong na madalas niyang naririnig sa kusina. "N-nagpahangin lang. Papunta na ako sa komedor." Hindi pa rin mawala ang mabilis na pagtibok ng dibdib niya mula pa kaninang nakikinig siya sa usapan ng Mama at mga kapatid niya. "Mauna ka na, susunod lang ako," utos naman ni Miguel. Pinauna siya nito sa paglalakad pero nakadistansya itong nakasunod. Nakahinga na siya nang maluwag nang matanaw si Ayah na nakangiting naghihintay sa kanya sa komedor.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม