Denise’s Lost Memories 1: Welcome home, Denise! Isa-isa nang nagigisingan ang mga pasahero sa loob ng eroplano. Ang iba ay naghahanda na nang kanikanilang mga gamit na dala, at ang ibang flight attendant naman ay nag-uumpisa nang mag-asikaso ng iba pang mga pasahero mas lalo na ang mga matatanda na hirap ng gumalaw-galaw. “Dine, wake up! We’re already here,” maarateng tugon ni Denise habang niyuyogyug ang katabi na si Dine. “Hmm,” ungol nito bago ‘to tinalikuran at hindi pinansin. Naiparap na lamang sa hangin si Denise dahil sa ginawa nang kaibigan. Sa tatlong taon na lumipas simula nang magising siya sa pagkaka-comatose ay si Dine na ang unang bumungad sa kanya, pati na din ang kanyang kapatid na si Miguel. Simula nang magising din siya ay walang nag-ungkat tungkol sa kanya sa nakara

