DOVE “MA'AM wala po kaming alak dito eh,” aniya sa akin ng waitress pagdating namin ni Javi sa restaurant ng asawa ko. “Ahm.. miss, may dala kaming alak. Dito lang talaga napili ni Do-este asawa ni Sir Ross mo na uminom,” sabat ni Javi. “P-Po. Sorry po, ma'am. A-Asawa pala po kayo ni Sir RV.” Ngumiti naman ako. It's okay.” Umupo naman kami ni Javi sa isang sulok. Ito naman si Salvacion, agad naman humingi ng dalawang wine glass. “Mahal ko na siya,” sambit ko naman at agad tinungga ang alak pagkaabot agad sa akin ni Javi. “Mahal mo? Tsk. Kailan ba kayo naging seryoso? Si D, haist! Taina! Mahal na mahal ko ang babaeng iyon!” “Ako May problema, Salvacion! Huwag mo na isali ang sa'yo!” inirapan ko naman ito. “Akala ko ba wala kang problema.” “Bakit hindi ikaw ang ginawang leader, Ja

