DOVE “AGAIN, Laila?” galit na sabi ni Daddy. Nagulat lang ako na bigla lang ito dumating sa Pilipinas. “What's up, dad?” kasalukuyang kausap ito sa telepono. “Pumunta ka dito sa rest house,” seryosong sabi niya. Napabuga naman ako ng hangin. “Why?” “I said pumunta ka dito sa rest house natin!” “Okay. Magpaalam muna ako sa asawa ko.” “Asawa?!” “Dad, ipaliwanag ko na lang d'yan pagdating ko,” agad naman nawala ang tawag sa kabilang linya. Hindi ko alam kung paano nalaman ni daddy ang tungkol sa pagpasok ko sa UNDERGROUND ASSOCIATION. “Ross, alis muna ko.” “Again? Sino ba ang pinupuntahan mo?” nagdududang tanong niya. “Dumating ang daddy ko. Saka na kita ipakilala sa kanya.” Napabuntonghininga naman ito. “Okay. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” Tiningnan ko lang ito pero iba ang

