JAYDA MABILIS AKONG napatayo mula sa pagkaka-upo ko sa lapag nang makita kong nakatingin siya sa akin. “Sorry po!” agad kong usal at agad na kinalkal ang bag ko para kumuha ng wipes para mapunasan ang lipstick na sinulat ko. Pero kung hindi naman ako nahuli, panigurado ay wala aking pakialam kung may sulat ito. Mabilis kong pinunasan ang bintana para mawala ang sinulat ko doon. Nakakaloka! Hindi ko napansin na may nakatingin sa akin. Bwisit na bwisit kasi talaga ako sa g*gong iyon! “You don't have to wipe those words. Pervert naman talaga iyon si Kuya Dan,” saad niya na ikinatigil ko at marahan siyang hinarap. “Po?” tanong ko na ikinangiti niya bigla. Marahan itong lumapit sa akin at inilahad ang kamay niya. “May I borrow your lipstick?” marahan na tanong niya na agad ko naman ibin

