DANIEL's POV Buntot siya ng buntot sakin kanina pa, mula pagpasok ko hanggang ngayon lunch break. Pinagtitingan na nga kami ng mga istudyante at syempre hindi ko alam kung may tao ba dito na inutusan ni papa para magmasid sakin. Kaya hindi ko pa din siya pinapansin kahit pa napakacute niya ngayon dahil nakatirintas ang gilid ng buhok niya na ewan ko ba sino gumawa at baka bayaran ko ng malaki dahil ang galing niya! Nasisiraan na ata ako sa unting pag-aayos ng babaeng ‘to dahil feeling ko nagliliwanag siya kahit gabi ngayon at feeling ko may mga flowers sa paligid kahit nasa hallway kami at mahangin. Nababaliw na ko paulit ulit ‘yung imahe niya sa utak ko kahit pa magkatalikod kami ngayon. "Arrghh," na sabunutan ko ang sarili ko at na patigil sa paglalakad. "Senpai okay ka lang ba?”

